Advertisers
Hubo’t hubad at wala nang buhay nang matagpuan ang 17-anyos na nursing aide sa gitna ng parke sa bulubunduking bahagi ng Sitio Dar-Awan, Barangay Timmaguab Santa Ignacia, Tarlac noong Biyernes ng tanghali, July 12.
Sa imbestigasyon ng Sta. Ignacia police, kinilala ang biktima na si Roldan Dancel De Guzman, 27-anyos, taga Barangay Poblacion East, Sta. Ignacia, Tarlac at isang nursing aid sa rehabilitation center na nasa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Magalang, Pampanga.
Ayon kay PMaj Randy Gomez, acting chief ng Santa Ignacia police, ini-report ng mga barangay official ng Santa Ignacia ang pagkadiskubre sa bangkay.
At sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ang nakahubad na bangkay na nakabilad sa Forever View Mountain Park.
Sa inisyal na pagsisiyasat, ayon sa pulisya wala pa silang nakikita na visible sign kung ano ang eksaktong ikinasawi ng biktima.
Sa follow-up operations ng pulisya, natunton na rin ang lalaki na itinuturong huling nakasama ng biktima na kinilalang si Karl Wayne Aguilar.
Ayon pa sa mga witness, si Aguilar ang sumundo sa bahay ng biktima.
Nakita rin ang dalawa na magkasamang bumil ng alak sa isang tindahan sa BarangayTimmaguab, hindi kalayuan sa crime scene.
Sumuko naman sa kanilang barangay ang 23-anyos na si Aguilar at umamin na pitong buwan na niyang karelasyon ang biktima.
Sinabi rin umano nito na kapwa sila nakainom nang magkaroon ng pagtatalo na nauwi na humantong sa krimen.
Pero ayon sa pulisya, hindi nito rektang inamin kung bakit at paano namatay ang biktima.
Hinihintay pa ang resulta ng forensics unit para malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima habang nasampahan na ng kasong murder ang salarin at nakakulong na sa Santa Ignacia detention facility sa Tarlac.