Advertisers
SINITA ng pulisya ang isinasagawang kilos-protesta ng mga taga-suporta ni Senador Ronald dela Rosa nitong uma-ga ng Martes, Mayo 12, dahil sa kawalan ng permit.
Gayunman, iginiit ng mga taga-suporta ni dela Rosa na may karapatan silang magpahayag ng kanilang hinaing at magsagawa ng protesta.
Ayon sa kanila, sumusunod naman sila sa mga ipina-tutupad na panuntunan ng pulisya at nanindigang hindi sila aalis sa lugar.
Kasalukuyan ngang nasa labas ng Senado ang mga taga-suporta ng Senador na nagmula pa umano sa iba’t-ibang lugar. Dagdag pa rito, may ina-asahan pang darating na mga grupo upang magprotesta at magpakita ng suporta sa senador.
Samantala, nakahanda ang pwersa ng pulisya para sa ina-asahang pagdagsa pa ng mga taga-suporta ni dela Rosa ngayong araw.
Bantay-sarado rin ng mga tauhan ng Southern Police District ang entrada ng Senate building para magbi-gay ng seguridad.
Nasa loob ng Senado si Dela Rosa matapos pagkalooban ng Senado ng protective custody kasunod ng tangkang pagsisilbi sa kaniya ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) nitong Lunes, Mayo 11.