Advertisers

Advertisers

P6.8m shabu nasamsam sa Valenzuela

0 35

Advertisers

Nasamsam sa isang tulak ng illegal na droga ang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, nitong Miyerkoles  ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela police chief PCol.Nixon Cayaban ang naaresto na si alyas “Nash”, 44 at residente ng Brgy. Parang Maguindanao.



Sa ulat, nagkasa ng buy- bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR Quezon City District Office, katuwang ang Police Sub-Station 1 at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police Station  na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek 11:30 ng umaga sa Capt. Cruz corner Service Road, Brgy. Parada ng lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 1,000 gramo ng shabu na may standard drug price value na P6,800,000.



Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">