Advertisers

Advertisers

Bong Go umayuda sa mahihirap sa Pampanga

0 5

Advertisers

Patuloy sa pagsuporta si Senator Christopher “Bong” Go sa mga programang pangkabuhayan ng gobyerno matapos niyang personal na tulungan ang displaced workers sa Minalin, Pampanga noong Huwebes, Hulyo 18.

Katuwang sina Congresswoman Anna York Bondoc, Minalin Mayor Philip Naguit, at Vice Mayor Rondon Mercado, nagsagawa ng pagtitipon ang Malasakit Team ni Go sa Sta. Rita Covered Court, kung saan 500 Kapampangan ang binigyan ng tulong pinansyal, food packs, meryenda, bitamina, kamiseta, at basketball at volleyball.

Mayroon ding mga nakatanggap ng bisikleta, mobile phone, relo, at sapatos.



Higit pa rito, sa pamamagitan ng inisyatiba ni Go sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal at ng Department of Labor and Employment’s (DOLE), ang mga kwalipikadong manggagawa ay makikinabang sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

“Nais kong magpasalamat sa DOLE para sa kanilang TUPAD program. Ito ay malaking tulong para sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng mga pagsubok na ating kinakaharap,” ani Go.

“Ang TUPAD program ay nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kababayan na mabigyan ng pansamantalang trabaho na makatutulong din sa komunidad. Ito ay isang halimbawa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng gobyerno at ng ating mga mamamayan para malampasan ang mga pagsubok na kinakaharap natin,” dagdag ng senador.

Hinikayat ni Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang publiko na gamitin ang Malasakit Centers sa lalawigan, kabilang ang nasa Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital sa Guagua, Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City, at ang Malasakit Centers sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital at sa Overseas Filipino Workers Hospital and Diagnostic Center, kapwa sa San Fernando City.

Pinagsasama-sama ng Malasakit Centers ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang mga one-stop shop na ito ay tumutulong sa mga mahihirap na pasyente sa pagbabawas ng kanilang gastos sa ospital sa pinakamababang posibleng halaga.



Sa kasalukuyan ay mayroong 166 Malasakit Centers na nakatulong na sa humigit-kumulang sampung milyong Pilipino sa buong bansa, ayon sa DOH.

Kinilala ni Go ang iba pang opisyal sa kanyang pagbisita, kabilang sina Governor Delta Pineda, Vice Governor Nanay Pineda, Provincial Board Members Rolando Pol Balingin, Nelson Calara, at Sto. Tomas Mayor John Sambo, mga konsehal ng probinsiya, bukod sa iba pa, sa kanilang walang patid na suporta upang mailapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao.

Sa araw ding iyon, dumalo si Go sa groundbreaking ng Legislative Hall sa Minalin at sa inagurasyon ng Super Health Center ng bayan na kapwa niya sinuportahan. Tinulungan din niya ang mga manggagawa at mahihirap sa Macabebe, Pampanga.