Advertisers

Advertisers

Alice Guo may koneksyon din sa POGO sa Porac, Pampanga

0 13

Advertisers

POSIBLENG may koneksyon din sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Sa ocular inspection na ikinasa nitong Miyerkules ng umaga ni Senador Sherwin Gatchalian kasama ang mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sinabi ng senador na base sa mga impormasyong nakuha ay mayroon ngang koneksyon si Guo sa Lucky South 99.

Nakita aniya ang koneksyon ni Mayor Guo sa mga partner at mga kausap na naroon din sa POGO sa Porac.



Paliwanag pa ni Gatchalian, hindi lamang niya maisapubliko ang lahat ng impormasyon kaugnay sa lawak ng koneksyon ni Guo sa mga POGO dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

Samantala, tatlong gusali naman ang ininspeksyon ng senador kasama ang PAOCC kung saan pinasok ang mga scam farm o iyong mga opisina kung saan ginagawa ang iba’t ibang uri ng pang-i-scam.



Kabilang pa sa ininspeksyon ang gusali na tinutuluyan ng mga empleyado at ang KTV bar building kung saan sa second floor ay maraming kwarto na hinihinalang isinasagawa ang prostitusyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">