Advertisers
PAULIT-ULIT na hinahamon ni dating Pangulo “Digong” Duterte ang kasalukuyang lider ng bansa na si “Bongbong” Marcos, Jr. na magpa-drug test.
Ito’y para raw mawala na ang duda ng mga tao na gumagamit ng iligal na droga si Bongbong.
Ginawa ni Digong ang hamon matapos na pagdudahan ang kanyang kampo na silang nasa likod ng paglabas ng “polvoron video” sa political rally ng Maisug sa California, na isinabay sa 3rd State of the Nation Address (SONA) ni Bongbong nung Lunes, July 22, 2024.
Ang Maisug ay isang grupo ng diehard Duterte supporters (DDS) na umiikot sa buong bansa hanggang labas ng Pilipinas at nagsasagawa ng mga political rally kungsaan winawakwak si Bongbong.
Sa polvoron video, makikita si “Bongbong” na sumisinghot ng umano’y cocaine.
Pero ayon sa National Bureau of Investigation, pekeng Bongbong ang nasa video. Prinoseso lang daw ito ng makabagong teknolohiya para maging kamukha ni Pangulong Marcos.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng NBI ang nasa likod ng polvoron video. May suspek na raw sila kung sino nagpakalat nito.
Birada naman ni Digong, para mawala na ang duda na “drug addict” si Bongbong, dapat daw itong sumailalim sa drug test.
Actually, bago pa ang volvoron video ay maraming beses nang hinamon ni Digong si Bongbong na sumailalim sa drug testing.
Maging ang tumalikod na dating Executive Secretary ni Bongbong na si Atty. Vic Rodriguez ay hinamon si Bongbong magpa-drug test.
Si Rodriguez ay sinipa sa Gabinete ni Marcos Jr. dahil sa mga isyu ng katiwalian.
Si Rodriguez ay matagal nagsilbi kay Bongbong. Ibig sabihin ay marami siyang alam sa pagkatao ng Pangulo. Hmmm… ‘di kaya siya ang nasa likod ng polvoron video? Araguy!!!
Balikan natin ang hamon ni Digong kay Bongbong na magpa-drug test.
Ano kaya kung hamunin din ni Bongbong si Digong na sabay silang sumalang sa drug test?
Noong presidente si Digong, hinamon siya magpa-drug test ng kanyang mga kritiko. Tumanggi siya.
Pero inamin niyang gumagamit siya ng Fentanyl, isang highly potent synthetic piperidine opioid primarily used as an analgesic. Ito ay 20 to 40 times more potent kesa heroin at 100 times more potent kesa morpina.
Ang isa pang matinding isyu kay Digong noon at ngayon ay ang kanyang mga kaibigang Intsik na umano’y druglords tulad nina Peter Lim, Charlie Tan, Sammy Uy at Michael Yang.
Nang matapos ang termino ni Digong bilang presidente, naglaho narin ang mga Intsik na ito.
Kung ayaw noon ni Digong sumailalim sa drug test, may rason si Bongbong na tanggihan ang hamon o hamunin din niya si Digong at mga anak nito na sabay sabay silang magpa-drug test. Tingnan natin kung anong magiging sagot ng Dutertes. Hehehe…
Ayaw natin ng adik na lider!!!