Advertisers
PINOST sa social media ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang statement hinggil sa pagbawi ng Philippine National Police (PNP) sa kanyang 75 police escorts.
Akala ni VP Sara ay makakakuha siya ng simpatya ng netizens. Pero mali siya. Dahil sa halip na kaawaan o kampihan siya ay mga brutal na reaksyon ang kanyang natamo sa netizens.
“Good. Why the need for too many security personnel when she is just a vivce presodent, a mere spare tire doing notjing significant,” netizen Nomar Brite
“Even after breaking away from BBM, Vice President Sara feels she needs as many bodugyards as the peresident,” veteran journalist/columnist Ramon Tulfo
“Tama naman ang ginawa ng PNP. Bakit pa nila bibigyan ng napakaraming police bodyguards si Sara eh may mga militar nang nagse-secure sa kanya. Wala namang gagalaw sa kanya dahil vice lang siya unlike PBBM. Mayabang lang talaga si Sara. Saan nga ba niya ginastos ang P125m intel fund in 11 days noong 2022. Ipaliwanag niya iyon!”, netizen Tirso Guerra
Sa ganang akin, tama ang netizens. Dahil ang mga nakaraang vice president ng bansa ay nabibilang lang sa daliri ang naging security personnel. Si ex-VP Leni Robredo nga ay halos walang security noon, ayaw pabigyan ng escort ng ama ni VP Sara na si ex-President Rody Duterte dahil vice president lang daw ito.
Anyway, kahit inalis ang police security ni VP Sara, mayroon parin siyang escorts na military mula sa Presidential Security Command, dating Presidential Security Group (PSG).
Si VP Sara nung bagong upo (2022) ay nagkaroon ng 433 security personnel, pinakamaraming badigard sa lahat ng naging vice president, at mas marami pa sa presidente. Humirit pa nga siya noon magtatag ng Vice Presidential Security Group. Hahaha… Ewan!
***
Todo tanggi si ex-President Digong na may kinalaman siya sa pinalabas na “polvoron video” ni Pangulong Bongbong Marcos sa rally ng ‘Maisug’ sa Amerika kamakailan.
Ang naturang video, kungsaan makikitang humihigop ng iligal na droga si PBBM, ay isinabay ang pagpalabas online sa 3rd SONA ng Pangulo nong Lunes, July 2022.
Say pa ni Digong, na-shock siya nang mapanood ang video sa rally ng ‘Maisug’, isang grupo ng pro-Duterte na nagsasagawa ng mga rally sa iba’t ibang rehiyon sa bansa hanggang sa labas ng Pilipinas para wasakin ang Marcos.
Sinuri ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang video. Pekeng Bongbong Marcos daw ang nasa video. Kaya masusing iniimbestigahan ito ngayon ng ahensiya para mapanagot ang nasa likod ng malisyosong video.
Kayo? Sino sa tingin ninyo ang may gawa ng video na ito? Surely ang mga gustong magpatalsik sa Pangulo para makaupo ang atat nang maging Pangulo.
At kung totoo man ang nasa video, sino sa tingin ninyo ang may kuha nito? Sigurado ang dikit lang kay PBBM noon na kaaway niya na ngayon. Tama ba ako Atty. Vic!?
***
Hindi dumalo sa 3rd SONA ni PBBM sina VP Sara at mga Senador na sina Ronald dela Rosa, Bong Go, Robin Padilla at Francis Tolentino.
Tingnan natin kung ano mangyayari sa kanila sa eleksyon!