Advertisers

Advertisers

Sen. Bong Go, tinanggalan din ng security personnel… VP SARA ‘DI KA NAG-IISA!

0 12

Advertisers

NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang propesyonalismo, integridad at huwag magpagamit sa sinoman sa kanilang pampulitikang adyenda.

Ito ay kasunod ng kontrobersiyal na pag-aalis ng PNP sa security details ng mga high-ranking official na kinabibilangan niya at ni Vice President Sara Duterte.

Isiniwalat ni Sen. Go na hindi lamang si VP Sara ang tinanggalan ng PNP ng security personnel sa pagsasabing maging siya ay dumanas din nito.



Sinabi ni Go na tatlong linggo na ang nakalilipas ay tinanggalan din siya ng security ng PNP na kanya ring ikinabigla.

“Sabi ko po, hindi siya (VP Sara Duterte) nag-iisa. Ibig kong sabihin po dito ay kung sakali namang kailangan siyang i-secure, meron pong mga mamamayan natin na willing mag-secure sa kanya, tulad namin. Pangalawa po , hindi siya nag-iisa dahil ako, una, ako rin po ‘yung natanggalan ng security, mas nauna pa ako sa kanya, mga three weeks ago pa po ito,” paliwanag ni Go.

“Alam n’yo, ang trabaho namin, kahit saang sulok po ako ng Pilipinas ay umabot po ako, at ‘yung kahit paano, may risk, may threat sa buhay namin,” ani Go na nagsabi pang mahalaga ang seguridad dahil sa uri ng kanilang trabaho.

“Pero ako naman, sanay ako kahit saan, naglalakad tayo,” ayon sa senador.

Bilang vice chair ng Senate committee on public order at isang mamamayan, sinabi ni Go na nakababahala ang mga kamakailang kilos ng PNP na nakakaapekto sa seguridad ng ilang high ranking officials.



Hiniling niya sa pamunuan ng PNP na huwag maging selective, huwag haluan ng pulitika at gawin lang ang tama nang walang pinapanigan.

“Be professional and just do what is right—proteksyonan ninyo ang buhay ng bawat Pilipino at gampanan ang tungkulin nang naaayon sa batas! Dapat manatiling propesyunal at tapat sa sinumpaang tungkulin ng ating mga alagad ng batas alang-alang sa bayan,” ani Go.
Inulit ng senador ang kanyang panawagan sa PNP na umiwas sa pulitika.

“Pinapaalala ko lang po sa liderato at sa buong hanay ng PNP na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at huwag magpagamit sa anumang political agenda,” mariing pahayag ni Go.

Kamakalawa ay pinuna ni Bise Presidente Duterte ang pagtanggal sa kanyang security details at tinawag niya itong “political harassment”.

Sa isang open letter sa Facebook, inakusahan ni VP Sara si PNP chief, Gen. Rommel Marbil ng pagpapakalat ng mga maling salaysay tungkol sa mga dahilan sa likod ng security pullout.