Advertisers

Advertisers

Delgaco talsik sa Paris Olympics

0 4

Advertisers

NABIGONG makasungkit ng medalya sa Paris Olympics ang Filipino rower Joanie Delgaco na nagtapos sixth at last sa group 3 ng women’s singles sculls quarterfinals sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium Martes ng hapon (Manila time).

Delgaco, ang kauna-unahang female rower na nakapasok sa Olympics, may oras na 7:58.30 sa 2,000-meter race kung saan top three sa apat na quarterfinal groups ang aabante sa semifinals.

Defending champion Emma Twigg ng New Zealand ang nangibabaw sa group 3 may oras na 7:26.89; Aurelia-Maxima Katharina ng Switzerland ang second sa 7:31.12, at Virginia Diaz Rivas ng Spain nagtapos na third sa 7:34.12.



Delgaco, na nag fifth place sa first 1,000 meters pero bumagal sa huli, ay sasabak pa rin sa classification na semifinal C/D.

Pinuri ni Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann ang outstanding performance ng Filiino athletes habang personal na tinulungan ang Philippine team na naglalaro sa French Capital.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">