Advertisers
DALAWA ang nasawi at isa ang kritikal sa atake ng sa riding in tandem sa Laguna at Cavite nitong Miyerkules.
Nakatayo sa basketball court si Kenneth Villadores, ng Barangay Looc, Calamba City, Laguna pasado 4:00 ng hapon ng Miyerkules nang pagbabarilin ng riding in tandem.
Hindi naman umabot ng buhay sa pagamutan si Felix Ampuan nang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang Isuzu MUX na kulay pearl white, kasama ang kanyang asawa at anak pasado 8:00 ng gabi sa tapat ng STI Sta Rosa Commercial Sports Complex, Barangay Balibago, Sta. Rosa City, Laguna.
Mabilis na tumakas ang riding in tandem na kapwa nakasuot ng kulay itim na helmet.
Kritikal naman sa pagamutan ng Carmona Hospital and Medical Center ang delivery truck driver na si Esmeraldo Pacis nang harangin at barilin ng riding in tandem ang kanyang minamanehong delivery truck kasama ang pahinanteng si Giovani Dela Cruz sa Governors Drive, Barangay Paliparan Uno, boundary ng Dasmariñas City at General Mariano Alvarez, Cavite.
Wala pang nahuhuling salarin ang mga pulis. (KOI LAURA)