Advertisers

Advertisers

Alyas Sgt. Liyag, bagong kolektor nga ba ni Gen. Roger Quesada?!

0 203

Advertisers

RO-4B regional director PBGen Roger Quesada ay hindi pa ito minsan nagdeklara ng “No-Take” at “One Strike” policy sa illegal gambling kaya hindi huminto sa pag-iikot sa mga pergalan (perya-sugalan) sa Oriental Mindoro itong si alyas Sgt. Liyag na kumolekta ng lingguhang payola at goodwill gamit ang opisina ni Quesada sa mga pasugalan na nakalatag sa bayan ng Naujan, Victoria, Baco, Puerto Galera, San Teodoro, Bulalacao, Pinamalayan, Bongabong, Bansud, Pola, Roxas, Mansalay, Socorro, at Gloria, bukod tangi ang Calapan City.

Hindi naman ang pangalan ni Sgt. Liyag ang nasisira dito kundi ang malinis na pangalan ni Quesada sa pangingikil sa mga operator ng pergalan (perya-sugalan) ng daan-daang libong piso alinsunod diumano sa basbas ng kanyang R2 sa bagong kolek-tong.

Ang masama medyo naninibago ang mga perya operator sa lalawigan ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz’ Dolor kung sagrado nga bang kolek-tong ni Quesada itong si Sgt. Liyag dahil sa laki diumano ng hinihinging tongpats.



Kung sakaling nagpapanggap o name dropper itong si Sgt. Liyag, dapat utusan ni Quesada ang kanyang R2 maging ang kanyang provincial director na si PCol Samuel Delorino (na may kolek-tong din na Sgt. Hernandez) na arestuhin itong si Sgt. Liyag para patunayang hindi n’ya saklaw ito. Punyeta!

Abo’t langit ang sigaw ni PNP Chief Dir. Gen. Rommel Francisco Marbil na lilinisin n’ya ang hanay ng kapulisan sa pangungurakot subalit mukhang exempted yata itong diumanoy kaklase n’yang si Quesada?!



Ano sa tingin n’yo mga mare ko at pare?

May kasunod pa!



***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com