Advertisers
Nagtagumpay man sa pagnenegosyo sa larangan ng CONSTRUCTION o ang pagiging CONTRACTOR ng iba’t ibang INFRASTRUCTURE WORKS hanggang nakamit ang pagiging QUADRUPLE A CATEGORY nang kanilang kompanya ay nananatili ang pagiging PUSONG MATULUNGIN sa kapuwa-tao ang mag-asawang nagmamay-ari ng ST. GERRARD CORPORATION na nakabase sa PASIG CITY.
Sa isinagawang KAPIHAN SA METRO EAST MEDIA FORUM ng PAMAMARISAN-RIZAL PRESS CORPS kaagapay ang PINOY AKO ADVOCACY GROUP ay naging panauhin ang ST. GERRARD CHARITY FOUNDATION CHIEF FINANCIAL OFFICER na si CEZARAH “ATE SARAH” DISCAYA ay naging instrumento ang pinagdaanan nilang pagsubok sa buhay upang higit na pagpursigihan ang kanilang kabuhayan at ngayong naabot nila ang kasaganaan ay kanila naman itong ibinabahagi sa pamamagitan ng mga MEDICAL.MISSION sa iba’t ibang mga lugar.
Sa buong bansa ay mayroon lamang 41 COMPANIES ang nabibilang sa QUADRUPLE A CATEGORY na nangongontrata ng malalaking GOVERNMENT INFRASTRUCTURE PROJECT.., kabilang dito ang ST. GERRARD CORPORATION na pinasimulan ni CURLEE DISCAYA na asawa ni ATE SARAH.., kung saan ang kanilang advocacy ay ang pagtulong sa mamamayan sa larangan ng MEDICAL MISSION tulad ng mga gamot, pagbibigay ng wheelchair, saklay at iba pa.
Walong-taon na ang ST. GERRARD CHARITY FOUNDATION at pinasimulan ang kanilang pamamahagi ng tulong sa BRGY. BAMBAN, PASIG CITY na ito umano ay isang pamamaraan nila sa pagpapasalamat sa DIYOS dahil sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kanilang pamilya.
Noong una umano ay sa kanilang lugar at mga trabahador ibinabahagi ang mga katulungan lalo na kapag sasapit ang pagtatapos ng taon ay namimigay sila ng pamasko o mga regalo na halos ay napakahaba ang pila ng mga tao para makabahagi nang mapagsasaluhan ng kani-kanilang mga pamilya para sa okasyong pagsalubong ng bagong taon.
“The more you share the more blessings na dumarating sa amin.
Ang charity missions namin ay hindi lang sa aming lugar kundi sa iba’t ibang lugar na ng Luzon, Visayas at Mindanao ang napupuntahan na namin para magbigay ng katulungan lalo na sa pagkakaloob ng medical assistance, dahil may mga kasama na rin kaming mga doktor at nurses para makatulong sa mahihirap nating mamamayan,” pahayag ni ATE SARAH.
Ang ganitong personalidad ang kailangang mapabilang sa government works sa ating bansa na ang inuuna ay sinserong pagtulong sa kapuwa hindi tulad ng karamihan sa POLITICIANS ay inuuna ang mga proyektong mayroon silang maibubulsang kadatungan!
***
MARIKINA CITY NAGPAPAHALAGA SA MGA SENIOR CITIZEN!
Bilang pagkilala ng MARIKINA CITY GOVERNMENT sa kanilang mga matatanda o SENIOR CITIZENS ay lumikha ng ordinansa ang kanilang CITY COUNCIL para mabigyan ng regalo ang mga matatanda sa tuwing sasapit ang kanilang mga kaarawan o birthdays.
Ang “Ordinance increasing the grant of Birthday Cash Gift to all bona fide senior citizens in the City of Marikina and appropriating funds therefore” o ang Ordinance No. 49 Series of 2024 ay nilagdaan nitong nagdaang July 31, 2024 ni CITY MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga matatanda nilang constituents.
Sa naturang ordinansa ay mabibigyan ng P2,000 cash ang mga bona fide senior citizens bilang regalo kapag sasapit ang kanilang kaarawan o birthdays.
“The gesture of granting a birthday cash gift is a tangible expression of the city’s gratitude and appreciation for the elderly, fostering a sense of belonging and respect within the community.., increasing this amount by an additional P1,000, for a total of P2,000, will provide greater financial assistance to senior citizens, helping to address their unique needs and improve their quality of life, thereby promoting their well-being and dignity,” pahayag ni MAYOR MARCY.
Ang naturang lungsod ay mayroong 96,000 SENIOR CITIZENS na noong taong 2016 ay nalikha ang ORDINANCE 60 para sa pagkakaloob ng P1,000 sa mga matatanda kapag sasapit ang kanilang birthdays.
“Simula Agosto 1, 2024, bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng karagdagang P1,000 sa inyong birthday cash gift, kaya magiging P2,000 na ang kabuuang matatanggap ng ating mga mahal na seniors. Ang simpleng handog na ito ay hindi lamang isang financial benefit, ito ay isang pagkilala at pagpapahalaga sa inyong naging bahagi sa paghubog ng ating lungsod,” pagpapahayag ni MAYOR MARCY sa mga SENIOR CITIZEN.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.