Advertisers

Advertisers

Doblehin pondo ng sports

0 22

Advertisers

SPORTS muna tayo, mga amiga’t amigo.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, nagsimula po akong sportswriter sa aking propesyon. Kaya hindi nawawala sa akin ang lungkot kapag natatalo at sobrang tuwa kapag nananalo ang ating mga manlalaro lalo sa malalaking international competitions tulad ng World Championships at Olympics.

Dito sa kasalukuyang Paris Olympics, sobrang saya natin sa paghari ng isang small but terrible gymnast Carlos Yulo sa floor exercise at vault. Oo! dalawang ginto ang nakuha niya, naglagay sa Pilipinas sa 19th place overall kungsaan nangunguna ang China at kabuntot ang Amerika.



Amazing Yulo! Sana maging okey na sila ng mommy niya para makumpleto ang kanyang kasiyahan.

Sa kabilang banda, wish natin ay makasunggab din ng gold sa boxing ang dalawang nalalabing amazona natin sa ruweda na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio. Nakasiguro narin ng medalya ang dalawang ito. Ipagdasal natin ang kanilang tagumpay.



May pag-asa rin ang Pilipinas na makakuha ng medalya sa pole vault sa katauhan ng world number 2 na si EJ Obiena. Ang balakid lang kay EJ sa pagsungkit ng gold ay ang world number na si Duplantis na minsan lang niya matalo.

At nandiyan pa ang pag-asa natin sa weigflifting kungsaan tatlong superwomen natin ang magpapakita ng lakas sa kani-kanilang dibisyon.



Malaki rin ang pag-asa ng ating golfers at nag-iisang lady fencer, ang malabo ay sa athletics kungsaan tayo dapat angkop.

Sa napakagandang performance na ito ng ating mga atleta sa Paris Olympics, kungsaan dalawang beses nang tinugtog ang bandera ng Pilipinas, lalakas o mai-improve pa ito sa mga sunod na international competitions kung masuportahan ng husto ng gobyerno ang programa sa sports, Mr. President!

Kung ang budget ngayon sa sports ay isang bilyong piso, doblehin na ito, at tutukan ang mga sports na angkop sa ating mga Filipino. Tigilan na ang pagkabaliw sa basketball dahil kulang sa tangkad at bilis ang ating mga manlalaro kumpara sa ibang bansa partikular Estados Unidos at European countries na ang sentro natin ay pointguard lamang nila.

Ang sports na dapat nating paunlarin ay ang boxing, swimming, track and fields, weighlifting, pole vault at billiards kungsaan maraming madidiskubreng talents sa mga probinsiya kapag natutukan lang.

Sa palaro ng mga eskuelahan sa mga probinsiya, makikita ang husay ng mga kabataan kahit mga halatang kulang sila sa protina at ensayo, mga payat pero malalakas.

Kapag nagkaroon ng sapat na pondo ang Philippine sports at seryoso ang mga humahawak dito, hindi tulisan, tiyak na magkakaroon ng mahuhusay na manlalaro ang Pilipinas.

Dapat kasi ang mga opisyal ng Philippine sports ay bumababa rin sa mga district at provincial meets ng mga paaralan para makapag-scout ng mga kabataang manlalaro na huhubugin para sa national sports. Wala eh… inaasa lang din sa mga guro na iilan lang naman ang sportsminded.

Sa totoo lang, sa panahon ng district meet, ang mga titser ay kinakapalan ang mukha sa pag-solicit para may pambili ng pagkain ng kanilang mga manlalaro.

Mantakin nyo, mga pare’t mare, sasali sa palakasan ang kabataan na ang ulam ay daing o kaya’y delata. Anong puwersa ang makukuha mo sa mga pagkaing ito? Kaya ang nangyayari kinakapos ng hininga ang manlalaro sa gitna ng kompetisyon.

Mayroon naman kasing budget ang DepEd sa sports hindi nga lang nakararating sa ibaba, binubulsa ng mga opisyal. Mismo!

Mr. President, Bongbong Marcos Jr, buhayin mo kaya ang ‘Gintong Alay’ ng iyong ama. Buhusan ng pondo ang sports para makapaghubog ng malalakas na manlalaro. Now na!