Advertisers
POSIBLE umanong magdulot ng malaking kapahamakan at pasakit sa mga OFW ang e-sabong kayat mariin ang pagtutol ng AkoOFW sa mungkahi ng gawin itong legal ng gobyerno.
Bagamat aminado ang AkoOFW na kelangan dagdagan ang pondo para patuloy na pagbibigay ng social services sa mga mamamayan, hindi solusyon ang panukalang payagan ang muling pagbubukas ng e-sabong.
“In my humble opinion, there are other ways where we can generate revenue, and definitely legalization of e-sabong is not one of them,” sinabi ni AkoOFW Chairman Dr Chie Umandap.
Dinagdag pa ni Umandap na meron ilan nasabi sa kanya na ang ilang mga dambuhalang operator ng e-sabong ay naglaan ng “lobby money” upang maitulak ang pagpapasa-legal ang online sabong.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations tungkol sa budget ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) para sa 2025, tinanong ni OFW Rep. Marissa Magsino si Pagcor Chair Alejandro Tengco kung posible bang gawing legal muli ang kasalukuyang ipinagbabawal na “e-sabong” upang matulungan ang ahensya na patuloy na makalikom ng kita sa gitna ng pagbabawal sa POGO.
Naniniwala ang AkoOFW na ang e-sabong ay nagdudulot ng malaking kapahamakan at pasakit sa mga OFW at maging sa kanilang mga pamilya.
“Marami na ang nabaon sa pagkakautang dahil dito, maging sa ibang bansa,” sinabi ni Umandap.
Ayon kay Umandap, mga ilang mga miyembro ng AkoOFW nasa ibang bansa
ang humingi ng tulong upang makauwi sa Pilipinas dulot ng pagkakabaon sa utang dahil sa pagsusugal sa e-sabong. (JOJO SADIWA)