Advertisers
ILANG transport group ang dismayado sa desisyon ng Senado na pangsamantalang suspendihin ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP) na kilala bilang PUV Modernization Program.
Sinabi ni Obet Martin National President ng Pasang Mazda dismayado sila sa aksyon ng Senado na pansamantalang nagsususpindi sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program.
Sa ginanap na press conference sa Quezon City sinabi nito na napapanahon na para ipatupad ang PUV Modernization Program dahil pitong (7) beses na umanbo itong na extend at hindi naman puwedeng sabihin inupan lamang.
“Matagal na itong PUV Modernization na dapat ipinatupad at panahon pa ng nakaraang administrasyong Duterte dahil sa pitong (7) beses ng na-extend,” ani pa ni Martin.
Nauna rito pinirmahan ng 22 senador ang resolusyon na nagsusulong para pansamantalang suspendihin ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP) na kilala bilang PUV Modernization Program hangga’t hindi pa nasasagot ang lahat ng katanungan kaugnay rito.
Samantala sinabi ni Lando Marquez national President ng Liga ng Transportation at Operators sa Pilipinas (LTOP) hindi sila masisi ng mga Senador kung madismaya ang grupo ng transport group sa nagging hakbang ng mga Senador sa pagsususpindi sa PUV Modernization Program.
“Tuloy ang modernization program at ito ang nais ipatupad ni Pangulong Marcos” sinabi ni Marquez.
Kaugnay nito nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo na kanilang ipatutupad ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ng mga jeepney driver at operator na itigil ang programa.
Sinabi pa ng transport group na hihingi sila ng dialogue sa Senado upang mapag-usapan ang umano’y sinasabing butas ng PUV Modernizartion program.(Boy Celario)