Advertisers

Advertisers

CCTV naisumite na sa NBI, magpapabilis sa imbestigasyon ng kasong isinampa ni Sandro

0 32

Advertisers

Ni Jovi Lloza

MISMONG ang hotel kung saan naganap daw ang pang-aabuso ng dalawang independent contractors sa baguhang aktor ay hindi na nahingan ng panayam pero naki-cooperate sila sa pagsa-submit ng CCTV footage sa NBI.

Ang CCTV nga raw ang magpapatunay at magiging matibay na ebidensya sa gumugulong na kaso.



Sumalang na nga ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach na naging emosyonal at masama ang loob sa independent contractor na si Nones.

Masama ang loob in a sense of na ang isa pala na independent contractor ay kilala at sir pa raw ang tawag ni Niño bilang respeto rito.

Kasama pa raw ng beteranong aktor si Nones sa sitcom na Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis.

Kaya nalungkot si Niño na kakilala pa niya ang gumawa umano ng kahalayan sa kanyang panganay na si Sandro.

Di naman sumipot sa pagdinig sa Senado sina Cruz at Nones na inaakusahan umano ng pang-aabuso.



Natuwa raw ang kampo nina Nino at Sandro at nasumite na ang CCTV na magbibigay linaw sa kaso.

Abangan!

***

Ai Ai pinagsabihan ang gf ng Olympics champ na si Chloe San Jose
BUKOD sa ibang netizens na sinasabi na inaagawan ni Chloe ng eksena ang winning champion sa katatapos lang na Olympics, napuna agad ang eksena ng gf ni Carlos Yulo

Kahit nga si Ai Ai Delas Alas ay napansin din na kasama itong gf na si Chloe San Jose habang ini-interview si Carlos.

To think na nakasandal pa ito sa Olympic champ na si Carlos habang nakasalang sa interbyu.

Kaya ika ni Ai Ai at iba pang netizens na ibigay daw ng gf ni Carlos ang moment sa kanyang bf.

Takaw pansin daw kasi ‘yung nakadikit ang gf ni Carlos kapag may interview ang grand champ sa katatapos lang na Olympics.

Payo nga ni Ai Ai na ubra naman daw na mandun siya pero tumabi tabi o gumilid muna ito.

Halos nga raw lahat ng interview ni Carlos ay nakatabi at nakadikit si Chloe.

Kaya ika pa ng netizens na huwag mang agaw ng eksena ang gf ni Carlos at ibigay ang moment sa winning champ.

Resbak naman ng gf ni Carlos na di naman daw siya nang aagaw ng eksena sa kanyang bf bagkus wala naman daw itong interview sa kahit na sino na mag interview kay Carlos.

Pinagdiinan nito na di siya mang aagaw ng moment ng kanyang bf.

Sabat ng netizen na wala naman daw talaga mag iinterview kay Chloe dahil di naman ito kailangan.
Well, well, well…’Yun na!