Advertisers

Advertisers

Hepe, 3 tauhan ng BFP sibak sa swimming pool

0 14

Advertisers




SINIBAK sa puwesto ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., ang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isang bayan sa Rizal at tatlo pa nitong tauhan nito matapos na mag-viral sa social media ang fire trak ng BFP habang pinupuno ng tubig ang isang pribadong swimming pool.

May ranggong Senior Fire Inspector ang sinibak na hepe at tatlo nitong tauhan na may mga ranggong Fire Officer 3 at 1.

Nakita ni Abalos ang nag viral na fire trak na may body number na 4A-R-E513A na kumuha ng tubig sa isang fire hydrant at dinala ito sa isang pribadong swimming pool sa Barangay Maharlika sa Taytay, Rizal.

Ayon kay BFP spokesperson Supt. Annalee Atienza, inilipat ang apat sa iba nilang istasyon sa Rizal habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Isa umanong very important person (VIP) sa Taytay ang may-ari ng bahay na may magarang swimming pool.

Samantala, nanindigan ang BFP na hindi nila kukunsintihin ang maling gawain ng kanilang hanay at tiyak aniyang papatawan ng kaukulang parusa ang mga ito kapag napatunayan ang kanilang pagkakamali.