Advertisers

Advertisers

PNP itinanggi ‘palakasan’ sa police recruitment

0 12

Advertisers

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na matagal nang nabuwag ang “palakasan system” sa recruitment ng mga pulis.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Col. Jean Fajardo matapos na muling lumutang ang balita na nagkakaroon ng palakasan sa hanay ng pulisya upang makapasok bilang pulis.



Ayon kay Fajardo marami ng polisiya ang PNP na ipinatutupad para maiwasan ang human intervention.

Kabilang sa mga polisiya ang faceless at nameless recruitment process, at QR code na lang ang ibinibigay sa recruitment upang masiguro na ang mga nararapat lang ang makakapasa sa pagsasanay.

Paliwanag pa ni Fajardo na kung mayroon mang mga delay sa recruitment ay posibleng may ibang kadahilanan dito pero upang makasiguro ay paiimbestigahan din ni Fajardo ang nasabing isyu.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">