Advertisers
ANG East Asia Super League (EASL) ay magbubukas sa Mall of Asia Arena sa Oktobre, inanunsyo ng Liga Miyerkules.
Ang dalawang teams — San Miguel Beermen at Meralco Bolts — ay makakaharap ang foreign teams sa MOA Arena sa Okrobre 2, Miyerkules.
Ayon sa schedule, haharapin ng Beermen ang Sunwon KT Sonicboom sa season curtain-raiser. habang ang bolts ay sasagupain ang Macau Black Bears para tapusin ang opening day.
Ngayon season, ang numero ng teams ay lomubo sa 10 mula sa 8. Magkakaroon ng kabuuang 30 games sa group stage.
Ang expanded group stage ng paligsahan ay tatakbo hanggang Pebrero 12, 2025. Ang Final Four championship ay gaganapin sa Marso.
Bukod sa opening day double-header, ang dalawang Philippine-based squads ay maglalaro rin sa Philsports Arena.
Sa Nobyembre 13, Makakatunggali ng San Miguel ang Taoyuan Pauian Pilots, habang ang Meralco ay sasalakayin ang Busan KCC Egis sa Philsports.
Ang Beermen at Bolts ay makakasagupa rin ang Hong kong Eastern at ang Ryukyu Golden Kings,ayon sa pagkakasunod, sa parehong venue sa Pasig sa Enero susunod na taon.
Ang San Miguel ay bahagi ng Group A. binubuu ng B.League champion Hiroshima Dragonflies, Korean Basketball League runner-up Suwon KT Sonicboom, P. LEAGUE+ runner-up Taoyuan Pauian Pilots at HKSAR champion Hong Kong Eastern.
Habang ang Meralco ay nakahanay sa Group B na kabilang ang B.League runner-up Ryukyu Golden Kings, KBL champion Busan KCC Egis, P.LEAGUE+ champion New Taipei Kings at Macau SAR champion Black Bears.