Advertisers

Advertisers

10-anyos, sinaksak ng 22 beses ng dalaga

0 55

Advertisers

AGAW-BUHAY ang 10-anyos na lalaki sa isang ospital sa Taytay, Rizal nang saksakin ng 22 beses ng 18-anyos na dalaga.

Nangyari ang insidente noong Lunes, August 19, 2024, habang pauwi ang bata mula sa paaralan.

Ayon sa report, 12:00 Lunes ng tanghali nang mangyari ang krimen sa Adhika St., Barangay Dolores, Taytay.



Sa CCTV footage, makikitang nilapitan ng salarin na si “Mika”, 18 anyos, ang batang si “Archie”, Grade 5, at walang sabi-sabing pinagsasaksak ng maraming beses sa likod ang biktima.

Natigil lamang ang pananaksak nang dumating ang nakasaksi na si “Junel”, 26, at inawat ang salarin.
Mabilis na isinugod ang biktima sa Rizal Provincial Hospital System sa Taytay, na nagtamo ng mga sugat sa balikat at inabot ang baga.



Nakadetine ngayon ang salarin sa Taytay Police at nahaharap sa kasong frustrated murder.

Base sa inisyal na imbestigasyon, posibleng selos sa pamilya ang motibo ng salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">