Advertisers

Advertisers

Comelec kinansela ang registration ng 50 party-list groups

0 18

Advertisers

TINANGGALAN ng accreditation ng Commission on Elections (COMELEC) ang 50 party-list groups matapos mabigong makatugon sa mga requirement sa partisipasyon at kinakailangang boto sa ilalim ng party-list system.

Pormal na ipinatupad ng poll body ang pagkansela sa pamamagitan ng Resolution No. 11281 na inilabas noong Oktubre 15, kung saan sakop ang mga organisasyon at koalisyon na hindi nakalahok sa dalawang magkasunod na halalan o pumalyang makakuha ng sapat na boto para makapuwesto sa Kongreso.

Sampung grupo ang tinukoy dahil sa tuluyang hindi paglahok sa huling dalawang halalan.



Kabilang naman sa iba pang 40 grupo na kinansela rin ang rehistrasyon ang ilang kilalang organisasyon tulad ng Bayan Muna, Magdalo Para Sa Pilipino, Buhay Hayaan Yumabong (BUHAY), Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM), at BOSES party-list (dating MOCHA).

Nakabase ang naging hakbang ng COMELEC sa Republic Act No. 7941 o Party-List System Act at Comelec Resolution No. 11204.



Sa ilalim ng Section 6(8) ng batas, may kapangyarihan ang COMELEC na magkansela ng rehistrasyon matapos ang abiso at pagdinig kapag ang isang grupo ay hindi nakalahok sa dalawang huling halalan o nabigong makakuha ng kinakailangang porsyento ng boto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">