Advertisers
SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang scam hub sa pribadong gusali sa Parañaque City nitong Huwebes ng madaling araw.
Nanguna sa operasyon ang Regional Intelligence Division-National Capital Region Police Office (RID-NCRPO) katuwang ang Parañaque City Police, Anti-Cybercrime Group, at mga kinatawan mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor.
Ayon sa RID-NCRPO, isinilbi nila ang isang search warrant mula sa Manila RTC Branch 24 dahil sa operasyon ng “computer-related fraud” dito.
Aabot sa 400 na empleyado ng “scam hub” ang naaktuhan na nagsasagawa daw ng ilegal na transaksyon online sa 8 silid.
Ayon sa mga awtoridad, gumagamit ang mga empleyado ng espesyal na software kungsaan kukuhanin nila ang loob ng mga kliyente gamit ang mga poser account.