Advertisers

Advertisers

2 drug suspects, arestado sa Valenzuela

0 196

Advertisers

Nasa mahigit P300k na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang drug suspects na itinuturing ng High Value Individual (HVI) nang malambat sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naaresto na sina alyas Emmon, 27, ng Brgy., Veinte Reales; at alyas Banak, 30, ng Caybiga, Caloocan City.

Ayon kay Col. Cayaban, 6:50 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales ng lungsod.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng shabu na may may tinatayang nasa P340,000, buy bust money, dalawang cellphones, P220 coin purse at isang motosiklo.

Nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.



Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office na nakadetine ngayon sa custodial facility ng VCPS.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">