Advertisers

Advertisers

PNP PROTECTOR NG ILLEGAL DRUG TRADE?

0 2,823

Advertisers

Nagimbal ang sambayanang tumutugaygay sa isinasagawang pagdinig ng LAWMAKERS nang sambitin ni PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) LT. COL. JOVIE ESPENIDO na mismong ilang TOP POLICE OFFICIAL ang nagsisilbing PROTECTOR ng ILLEGAL DRUG TRADE kaibayo sa OFFICER’S PLEDGE na.., “I WILL LOVE AND SERVE GOD, MY COUNTRY AND PEOPLE”.

Nitong August 28, 2024 ay Isa sa mga RESOURCE PERSON ng CONGRESS QUAD COMMITTEE HEARING si LT. COL. ESPENIDO para sa pagsisiwalat sa tunay na CHAIN OF COMMAND sa WAR ON DRUGS ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.., na base sa SWORN STATEMENT nito ay ipinunto niya na ang pamamayagpag ng ILLEGAL DRUGS sa ating bansa ay dahil sa PROTEKTADO ng mga kapulisan.

Sa halip na parangalan si ESPENIDO sa kaniyang mga naging accomplishment sa pagbuwag ng ILLEGAL DRUG TRADE ay siya pa ang pinaratangang tumatanggap ng payola mula sa DRUG SYNDICATE.



Sa naging pahayag ni ESPENIDO, noong 2016 ay pinili umano siya ni EX-PNP CHIEF at ngayo’y SENATOR BATO DELA ROSA para buwagin ang ESPINOSA DRUG SYNDICATE sa LEYTE.., sa kalaunan ay sumuko si EX-ALBUERA MAYOR ESPINOSA at nagbigay ito ng listahan ng mga PNP OFFICIAL ng “PABUYA” kapalit sa pagsasawalang-bahala sa mga drug operation ng ESPINOSA DRUG SYNDICATE.

Mula sa mga impormasyong ipinagkaloob ni EX-MAYOR ESPINOSA ay nakapaghanda si LT. COL. ESPENIDO ng mga kaso laban sa mga sangkot na PNP OFFICIALS.., subalit nalaman na lamang nito na ipinabasura ni EX-PNP CHIEF BATO ang mga kasong isinumite laban sa PNP OFFICIALS na PROTECTOR ng ESPINOSA DRUG GROUP.



Sa puntong iyon ay klarado kung ano ang naging motibo ni EX-PNP at ngayo’y SEN. BATO noong inutusan niya si ESPENIDO na lansagin nito ang mga DRUG PUSHER sa LEYTE… sa paraang patayin ang mga DRUG PUSHER pero pabayaan lamang ang mga PNP OFFICIAL para tuloy-tuloy ang operasyon ng illegal na DROGA sa kanilang bayan.

Sumunod niyon ay inilipat ni EX-PNP CHIEF BATO si ESPENIDO sa OZAMIZ para lansagin naman nito ang PAROJINOG DRUG SYNDICATE sa sistemang “BY ALL MEANS NECESSARY”.., subalit sa krokis ng pagsisiyasat ni ESPENIDO ay doon niya napag-tagni-tagni na mismong mga PNP OFFICIALS ang nagbibigay proteksiyon sa PAROJINOG DRUG GROUP.



Sa dedikasyon ni ESPENIDO sa kaniyang misyon ay nangako si MAYOR ADIONG PAROJINOG na susuko ito subalit napako lamang ang pangakong pagsuko… kaya napilitang kumilos si ESPENIDO at naglunsad ito ng POLICE OPERATION para madakip ang lahat ng.mga bumubuo ng PAROJINOG DRUG SYNDICATE.., na nagresulta sa pagkasawi ng 16 kasama si MAYOR ADIONG at kaniyang asawa.

Nakapagtataka pa aniya ay hindi man lang binigyang parangal si LT. COL. ESPENIDO dahil sa matagumpay niyang operasyon laban sa DRUG SYNDICATE.., sa halip sina EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at EX-PNP CHIEF BATO ay nagpaabot pa ng mensaheng pakikiramay ang mga ito sa naganap na madugong enkuwentro.

Isa pang nagpalindol sa kamalayan ng mga sumubaybay sa mala-teleseryeng “BALATKAYONG GOVERNMENT OFFICIALS SA MUNDO NG DRUG SYNDICATE” ay walang gatol na isinaad ni ESPENIDO na si EX-PRES. DUTERTE ay naglunsad ng QUOTA at REWARD SYSTEM.., dahil ang bawat mapaslang na pusher o user ay tatanggap ang OPERATIBA ng halagang P20,000.., huh, halagang barya lamang pala kay EX. PRES. DUTERTE ang buhay ng mga karaniwang mamamayan at ang pabuyang ibibigay sa mga operatibang makapapatay ng pusher o user ay galing sa GAMBLING LORDS at POGO OPERATIONS.

LINTEK na ADMINISTRATION SYSTEM sa nakaraang DUTERTE ADMINISTRATION kung pagbabatayan natin ang pagsisiwalat ni LT. COL. ESPENIDO.., dahil ang mga dapat na tagapagtanggol ng mamamayan ay SELECTED ILLEGAL DRUG TRADES ang prinotektahan gamit ang TOP PNP OFFICIALS at ginawang palamuti ang TOKHANG sa mga ordinaryong mamamayan upang mapalabas na sinsero ang inilunsad na WAR ON DRUGS.

Mga ka-ARYA.., sa mga rebelasyong naisisiwalat sa QUAD COMMITTEE HEARINGS ay lumalabas na “LARUAN” lamang ang karaniwang mamamayan ng ilang TOP GOVERNMENT OFFICIALS.., ika nga, ilang taon na lang ay PRESIDENTIAL ELECTIONS na naman at sa galawan ngayon ay mababanaagan na ang DUTERTE CLAN ay popostura sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa…, at sasang-ayunan na naman ba ng mga botante na ang maluklok bilang PRESIDENT OF THE PHILIPPINES ay isa sa DUTERTE FAMILY pagsapit ng 2028? Papayag ba ang sambayanan na SIGA ang LIDER na hindi maaaring kuwestiyonin ng mamamayan ang paglulustay sa GOVERNMENT FUNDS at ang LAW ENFORCERS ay magiging sunod-sunuran lamang sa BALUKTOT na DUTERTE SYSTEM?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.