Advertisers

Advertisers

QUOTA AT REWARD SYSTEM SA WAR ON DRUGS IBINUNYAG NI ESPENIDO

0 28

Advertisers

ISINIWALAT ni PCol. Jovie Espenido na mayroon umiiral na quota at reward system sa Philippine National Police sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa affidavit na isinumite ni Espenido sa House Quad Committee at sa pagharap sa pagdinig ngayong araw, kinumpirma niyang nagpataw ang liderato ng quota na limampu hanggang isandaang indibidwal na inakalang ang ibig sabihin ay kakatok lamang sa tahanan ng mga hinihinalang gumagamit o nagtutulak ng ilegal na droga.

Ninais umano ni Espenido na ipatupad ang war on drugs nang walang namamatay at ang misyon ay sumuko ang drug suspects at isailalim sa rehabilitasyon kaya walang naitala sa ilalim ng kanyang pamumuno sa Albuera at Bacolod.



Ibinunyag ni Espinido na ang pabuya ay nasa P20,000 pesos sa bawat mapapatay na indibidwal sa drug war at ang pondo ay galing saa Small-Town Lottery o jueteng lords na nagbibigay ng pera sa police regional commanders at provincial commanders.

Ibinahagi rin ni Espenido na si noo’y PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang nagpatawag sa kanya upang italaga sa Ozamiz City bilang hepe dahil sa pagiging matapang.



Ang instruction umano ni Dela Rosa ay buwagin ang mga sindikato ng ilegal na droga kasama na ang Parojinog group kung saan ginamit ang mga salitang “neutralize” at “eliminate” anuman ang pamamaraan o by all means.

Dagdag pa ni Espenido, direkta siyang nagre-report kay General Bato at mismong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Idinetalye din ni Espenido kung paano siya nakakatanggap ng tawag mula kay dating PNP Chief na ngayon ay Senador De la Rosa upang maging hepe ng Albuera, Leyte Police Station.



Agad naman niya umano itong tinanggap kasama ang bilin na lansagin ang umano’y illegal drugs operation na pinapangunahan ng tinaguriang bigtime drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ipinagmalaki nito na sa loob ng 18 days ay nagawa niyang lansagin ang drug ring ni Kerwin at tuluyan ding sumurender ang kaniyang ama na si dating Mayor Rolando Espinosa.

Si Mayor Espinosa ay kinalaunan ding namatay habang nasa loob ng Baybay City Provincial Jail.

Tuluyan ding nahuli aniya si Kerwin sa ibang bansa sa pamamamagitan ng pagtutulungan ng intle community.

Gayunpaman, sa loob aniya ng ilang buwan na pananatili niya bilang COP, pinanindigan ni Espenido na walang namatay sa ilalim ng kampanya laban sa iligal na droga.

Noong July 13 2016, ilang araw lamang mula noong maupo si dating PRRD bilang pangulo, na-assign si Espenido bilang COP ng Albuera, leyte.

Noong October 16, 2019, nagsilbi siyang Deputy City Director for Operations sa Bacolod City Police Office sa Western Visayas.

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.