Advertisers

Advertisers

BIKE LANE PINAIGTING NG MARIKINA AT DOTR!

0 2,149

Advertisers

Bahagi sa programang mabawasan ang AIR POLLUTION na likha ng maiitim na usok na ibinubuga mula sa iba’t ibang GASOLINE VEHICLES ay PINAIGTING NG MARIKINA CITY at DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr) ang paglalaan at paglalagay ng BIKE LANES na dapat ay maisagawa rin ng mga LOCAL GOVERNMENT partikular sa METRO MANILA.

Sa isinagawang MARKER UNVEILING sa bagong pasilidad ng MARIKINA CENTRAL PARKING AREA (MCPA) ay pinangunahan ito nina MARIKINA CITY MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO, 1st DISTRICT REPRESENTATIVE MARJORIE ANN “MAAN” TEODORO, DOTr ASSISTANT SECRETARY JAMES ANDRES MELAD at SECRETARY JAIME BAUTISTA.., na inihayag nitong si SEC. BAUTISTA ay may 35 BIKE RACKS na kayang TUMANGGAP ng hanggang 70 bisekleta na mayroon ding comfort rooms at lugar na magkumpuni ng mga bisekleta ang mga CYCLIST.

Sa pagpapaliwanag ni SEC. BAUTISTA, ang mga nagbibisekletang MARIKINA CITY HALL EMPLOYEES at mga residente na may transaksiyon sa CITY HALL ay pupuwede nang hindi magdala ng kotse kundi.magbibisekleta na lamang ang mga ito at maaari nilang iparada ang mga bisekleta sa BIKE RACKS.



“Ang Marikina ay matagal nang may mga bike lanes, pero nadagdagan pa ito sa tulong ni Mayor Marcy, kaya’t mayroon na rin tayong end-of-trip facilities,” Saad ni SEC. BAUTISTA.

Ipinunto naman ni MAYOR TEODORO na ang kahalagahan sa paggamit ng bisikleta bilang transportasyon ay para mabawasan ang carbon emissions at magpapaluwag din ng mga behikulo sa mga lansangan.



“Nasa Central Parking Area ito, kaya ang mga manggagaling sa malalayong lugar ay pwedeng magparada ng kanilang bisikleta rito, magpalit ng damit, at sumakay sa public transport,” pagpupunto ni MAYOR TEODORO.

Bukod sa bagong pasilidad, nagkaroon din ng groundbreaking ang MARIKINA LGU at DOTr para sa isang walong kilometrong bike lane na ikokonekta sa kasalukuyang bike lanes ng lungsod.



Inihayag ni MAYOR TEODORO na makikinabang dito ang mga empleyado ng city government na gumagamit ng bisikleta papunta at pauwi sa kanilang trabaho.

“Ang Marikina ay matagal nang may mga bike lanes, pero nadagdagan pa ito sa tulong ni Mayor Marcy, kaya’t mayroon na rin tayong end-of-trip facilities,” ani Bautista.

Inilahad din ni MAYOR TEODORO na ang mga bike lanes sa Marikina ay nagsimula noong 1995 at patuloy na pinalalawak para maging konektado ang iba’t ibang bahagi ng lungsod!

Mga ka-ARYA.., lalo na sa mga motorista ay mabigyan po ng respeto ang mga nagbibisekleta na hindi dapat ginigitgit upang sa gayon ay huwag nang magkaroon ng disgrasya lalo na at may sariling linya namang inilaan ang gobyerno para sa mga nagbibisekleta!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.