Advertisers

Advertisers

Ang 3 Araw na Selebrasyon ng Kaarawan ni Vince Tanada sa Tagaytay

0 24

Advertisers

Ni Oggie Medina

AKO, kasama ng 8 pang pasahero sa van, ay dumating sa Tagaytay City’s Casa La Silvinas Hotel and Event Resort ng pasado 2 p.m., Saturday, sa araw mismo ng 50th kaarawan ni Vince M. Tanada. Di na namin nasaksihan ang misa sa umaga. Mga miyembro ng pamilya, mga piling bisita buhat sa entertainment, academia, business, law, at mga miyembro ng Philstagers ay nandoon na buhat pa noong Biyernes at na-missed namin ang mga exciting activities bilang prelude sa kaarawan ng golden boy.

Hapon na nang makapasok kami sa kwarto namin para magpalit ng puting mga damit at puting maskara. Kumatok si fashion designer Boy Lizaso III na ibig gamitin ang kwarto rin saglit para magpalit ng damit at napakabongga pala niya sa kanyang puting kasuutan.



Sa lobby ng hotel dumaitng nang maaga sina Nona Ricafort, Baby Go at Baby de Jesus na nakasuot din ng puti. Sina FAMAS President Francia Conrado, Christina Aliada, director Sean Lim kasama ang kanyang lovable dog pets na sina Chukchuk at Charger, Elia Ilano kasama ang kanyang mga magulang sina PX at Shengmae, Queen Daniella Graecia, Sarah Liroe Javier, directors Bong Ramos at Emmanuel dela Cruz, Raymond Diamzon ng FAP, author Bing Carrion, media friends Pilar Mateo, Robert Manuguid Silverio, Fernan de Guzman at Mildred Bacud, blogger Ymman Jake Biaco, kilalang songwriter Pipo Cifra, at Dr. Librado Toledo Jr., na handa na para sa “The Golden Shindig: A Masquerade Ball”.

Mga nagbigay ng mga video greeting messages ng gabing iyon ay sina dating Manila Mayor Isko Moreno, Dindo Arroyo, Mon Confiado, Eric Quizon, Mercedes Cabral, Ynez Veneracion, Snooky Serna, Gazini Ganados at overseas members ng Philstagers.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">