Advertisers

Advertisers

LIGAW YATA ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE(PNP) HINGGIL SA PINAGTATAGUAN NI PASTOR QUIBOLOY

0 19

Advertisers

Ligaw at nakuryente pa yata ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa totoong pinagtataguan ni KOJC Pastor Apollo Quiboloy.

Mantakin niyong halos isang linggo ng kinordunan at pinostihan ng PNP ang sinasabing KOJC Compound sa Davao na kung saan daw nagkukuta si Quiboloy nguni’t hanggang sa kasalukuyan ay negatibo pa rin ang resulta.

Kung ano-ano ng lugar sa nasabing compound ang pinasok at hinukay pa ng PNP kasama na ang sinasabing mga bunker at underground tunnel na sinasabing pinagtataguan daw ng Pastor nguni’t kabiguan pa rin ang dulot nito.



Marami ang nagsa-sabing sayang lang ang oras, abala at panahon na ginugugol ng PNP nguni’t ni anino ni Quiboloy ay hindi pa rin makita.

Dahil daw sa sobrang lalim na ng hinu-hukay ay baka langis na anila ang madiskubtre’t bumulwak nguni’t wala pa ring Quiboloy na nakikita.



Puro hearsay yata ang pinagbabasehan ng ating mga kapulisan… puro sabi niya, sabi ni, sabi niya at SABADO ang ating naririnig na kesyo nadidinig na daw ang boses ng Pastor, may mga heartbeat o’ pintig daw ng puso silang namo-monitor sa basement at marami pang iba.

Nandon na rin ang deklarasyon na natagpuan na nila ang kuwarto ni Quiboloy, mga menor de edad na babae nilang dinatnan doon na umanoy minomolestiya daw ng Pastor nguni’t di pa rin naki-kita ang talagang pakay.



Marami na rin mga espekulasyon at mga kuwento ang ating mari-rinig tungkol sa Pastor ngunit ang pinaka-matindi dito ay hindi daw makikita si Quiboloy dito dahil nasa langit daw ito. Ito ay ayon naman kay VP-Sara Duterte he… he… he…

Mahina yata ang sagap at intelligence ng ating PNP na halos isang linggo ng nagvi-vigil sa nasabing compound nguni’t wala pa ring malinaw na sinasabi hinggil sa kanilang hinahanap.

Tao ang kanilang hinahanap at hindi naman langgam o ipis na mahirap talagang hanapin dahil sa dami at liit ng mga ito.

Baka maging isang DOLOMITE Beach na naman ito na sa dami ng oras at panahon pinag-abalahan ay wala ring nangyari. Bilyon din ang naubos dito ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napapakinabangan.

BIGYAN NA NG ULTIMATUM

Kung talagang aabot na sa sukdulan, kailangan na sigurong bigyan na ng ultimatum o huling pagkakataon na sumuko ang mga ito.

Ganito daw ang ginawa ni dating Pangulong Ramon Magsaysay na noo’y Secretary of Defense pa lang sa isang sikat na terorista na kinakanlong din ng kanyang mga taga-suporta sa isang bumdok sa MIndanao.

Dahil sa maraming oras, abala at buhay na ang nawawala, nag-desisyon si Magsaysay na bagsakan na lang ng “natal bomb” ang kuta ng mga ito kung hindi susuko sa loob ng 24-oras.

Nang makarating daw sa teroristang si “KAMLON” at kanyang mga loyalista ang ultimatum, naghahawian daw ang mga ito sa pag-suko at pagbaba ng bundok upang sumuko sa gobyerno.

Ganyan din ang nangyari sa Marawi na kung saan ayaw talagang sumuko ng mga rebelde na pinamumunuan ni Nur Misuari.

Matapos itong bagsakan ng bomba sabay sa paglusob ng ating mga sundalo, nakaluhod na sumuko ang mga ito dala-dala ang kanilang armas. Ito ay tinaguriang MARAWI SIEGE.

Kailangan din gumamit ng pangil ang ating gobyerno lalo na’t masyado na silang pinapaikot at ginagawang gago ng mga taong wanted sa batas

Siguro naman na kapag si Quiboloy at mga taga suporta nito ang binigyan ng ultimatum ay baka nag-uunahan at baka magkapalit-palit pa ng mga mukha ang mga ito sa pag-suko.