Advertisers
Ni Oggie Medina
NATUTUWA ako sa isang alagang dog, si TJ, na binigyang-halaga sa isang art exhibit, Ipso Facto, sa ArtistSpace sa Ayala Museum Annex sa Makati City.
Ito’y ang ika-8 solo art show ni visual artist Joy Rojas, o JFR2. Napakatalino at behaved ni TJ habang nagkakaroon ng ribbon-cutting ceremony na ikinagalak ng mga naroroon. Kay TJ natuon ang atensiyon ng mga tao. At siyempre sa mga likha ni Rojas.
Namangha ako sa mga mixed media creations ni JFR2. Ang kanyang mga pintang “Japan’s Cherry Blossom”, “French Riviera Summer”, “Winter Solace”, at “New England’s Foliage” ay base sa kanyang mga biyahe isa ibang bansa. Ang kanyang tatlong likhang “Historica Filipinas” ay base naman sa kasaysayan ng Pilipinas. Mayroon din siyang “Metanoia” series na labis na nagustuhan ng mga mahilig sa art.