Advertisers

Advertisers

BIR nagbabala sa mga online business na ‘di pa rehistrado

0 6

Advertisers

MARIING nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kanilang sususpindehin ang mga online businesss na hindi rehistrado sa kanilang ahensiya.

Ito ang nakasaad sa kanilang Revenue Regulations 15-2024 na maari nilang isuspinde ang operasyon ng mga negosyo sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga closure o take-down order.

Sakaling sa mga kaso ng online business ay maaari nila itong gawi sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga websites, webpage, account, platform o app na ginagamit para magbenta ng mga produkto.



Maaari rin silang masampahan ng BIR ng kasong tax evasion laban sa mga negosyante sa ilalim ng Run After Tax Evaders program.