Advertisers

Advertisers

Sadorra pinamunuan ang PH sa panalo vs Slovenia sa Chess Olympiad

0 14

Advertisers

PINAMUNUAN ni Grandmaster Julio Catalino ang opensiba ng Pilipnas na patalsikin si GM Vladimir Fedoseev ng Slovenia,2.5-1.5 sa fifth round para makapasok sa Top 10 ng 45th FIDE Chess Olympiad sa BOK Sports Hall sa Budapest, Hungary.

Ang US-based Sadorra, ranked No.51, ay nagwagi laban sa No.26 Fedoseev matapos ang 53 moves ng Queen’s Gambit Declined defense.

Dahil sa panalo ang Pilipinas ay nalagay sa tabla sa 20 bansa sa seventh place sa team standings na may tig-eight points.



Daniel Quizon, ay tatanggap ng PH100.000 mula sa National Chess Federation of the Philippines president Bitch Pichay at PH1million incentive mula kay Mayor Jenny Braganza dahil sa nakamit na GM Title nakaraang Sabado.

International Master Paulo Bersamina at Jan Emmanuel Garcia nauwi sa draw kay Jan Subeli at Matej Sebenik, ayon sa pagkakasunod.

Ang Pilipinas, na coached nina GMs Eugene Torre at Jayson Gonzales kasama si Atty.Ruel Canobas na delegation head, ay makakatunggali ang 17th seed Armenia sa sixth round.

Sa women’s division, Nalasap ng Pilipinas ang 1.5-2.5 talo sa Italy.Top board player Shania Mae Mendoza yumuko kay IM marina Brunello habang si Janelle Mae Frayna, Ja Jodilyn Fronda at Ruelle Canino split ang kanilang games.

Ang Filipinas, sa group No.37 na may six points, makakaharap ang Bolivians sa susunod.



Samantala, India, China,Vietnam at host Hungary ang nangunguna sa men’s standings, habang ang India, Mongolia at Armenia ay nangibabaw sa women’s division.