Advertisers

Advertisers

Obiena pangungunahan ang PH team sa Asian Champs

0 38

Advertisers

PAMUMUNUAN ni two-time Olympian EJ Obiena ang malakas na 15 -player Philippine team habang siya ay ipagtanggol ang kanyang pole vault title sa 2025 Asian Athletics Championships na magaganap sa Mayo 27 hanggang 31 sa Gumi, South Korea.

Obiena, kasalukuyang ranked No.4 sa mundo, umaasa na malagpasan kung ano ang kanyang nagawa sa nakaraang edition ng biennial meet kung saan nalundag ang 5.91 meters para sa gold medal bago ang Saudi Arabia’s Hussain Asim Alhizam (5.56m) at China’s Huang Bokai (5.51m).

Ang 29-year-old Obiena, na hawak rin ang Asian rekord na 6.00m na tinakda sa world championship sa Budapest, Hungary noong 2023, ay galing sa golden performance sa inaugural Patafa Pole Vault Challenge nakaraang buwan kung saan tinapatan ang kanyang season-best 5.80m.

Kasama ni Obiena sa Asian meet si Fil-American Robyn Brown, na umaasa na maduplika ang kanyang kapalaran sa nakaraang edition kung saan siya nagwagi sa women’s 400m hurdles.

Iba pang Filipino na makita sa aksyon ay sina pole vaulter Hokket Delos Santos, middle distance runner Yacine Guermali, hurdler John Cabang Tolentino, newcomer Carlos de Imus, William Morrison (shotput), high jumper Leonard Grospe, Frederick Ramirez (800m), Hussain Lorana, Ronnie Malipay at Kharis Patonial.

Kumumpleto sa pangkat ay sina Olympian Kristina Knott, Lauren Hoffman at Bernalyn Bejoy.

Ang PH team ay nagwagi ng two gold medals kaloob ni Obiena at Brown sa huling edition na ginanap sa Bangkok, Thailand para magtapos sixth sa overall medal tally.

Dinomina ng Japan ang naturang edition na humakot ng 16 gold,11 silver at 10 bronze medals, sinundan ng China na may eight gold,eight silver at six bronze medals, at India na may 12 silver at nine bronze medals.