Advertisers

Advertisers

DAVID AND GOLIATH

0 26

Advertisers

Matindi ang galawan sa pulitika ngayon,isang buwan bago ang takdang filing of certificates candidacy ng mga kandidato para sa darating na 2025 midterm elections.

Sa lungsod ng Pasig,isang ginang ang susubok na tumakbong punong- lungsod at haharapin ang two termer na si Mayor Vico Sotto.

Maituturing itong laban ng isang David at higanteng si Goliath.



First time na papasukin ni Ate Zarah Discaya,isang Pasig- based businesswoman cum philanthropist ang mundo ng pulitika.

Si Ate Zarah Discaya ay asawa ng pilantropo ring si Curlee Discaya,President and CEO ng St.Gerrard Constructions,kumpanyang bantog sa Pasig sa pagtulong sa mga kapus- palad na mga taga- Pasig.



Ayon sa ating mga sources dyan sa Pasig,tila tinubuan na umano ng nerbiyos itong si Mayor Vico Sotto.

Bakit kakabugin ang sikat at ubod ng linis na alkalde laban sa isang neophyte na katulad ni Ate Zarah Discaya?



May dapat bang ikabahala si Mayor Sotto?

May “skeleton in the closet” nga bang itinatago itong si Mayor Vico?

In panic mode na raw talaga ang mga political handlers ni Sotto sa biglaang pagsirit ng popularidad ni Ate Zarah Discaya.

Wala umanong maipangtapat ang kampo ng alkalde sa mga magandang reception ng mga taga- Pasig sa pagpasok na ito ni Ginang Discaya sa political arena ng lungsod.

In bad times and in good times,pinatunayan ni Ate Zarah na andyan lang siya at ang kanyang buong pamilya para umagapay at tumulong sa kanilang mga kababayan.

Walang inhibitions sa pakikisalamuha sa mga ordinaryong tao partikular na yaong na sa laylayang sektor ng lokalidad.

Nais natin sanang talakayin pa ang mahahalagang detalye sa istoryang ito ngunit ilalaan na muna natin ang tungkol dito sa mga susunod nating pitak.

Rest assured na di tayo bibitaw sa pagtalakay sa makulay at masalimoot na pamamahala ng kasalukuyang administrasyong Sotto sa nasabing pamayanan.

Marapat lamang mabatid ng mga Pasiguenos ang tunay na estado ng kanilang lokal na pamahalaan.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com