Advertisers
Tinamaan ng apoy ang bahay ng isang city councilor sa Brgy. Western Bicutan sa Taguig City noong Lunes.
Ayon sa Taguig City Fire Station, nagsimula ang sunog ng 10:12 ng gabi mula sa bahay na pag-aari ni Taguig District 2 Councilor Nicky Supan sa Sampaloc Street sa barangay.
Nakontrol naman ang sunog ng 10:39 ng gabi.
Nagsimula umano ang apoy sa isang dressing room sa ikatlong palapag ng limang palapag na bahay at napinsala ang nasa P80,000 na halaga ng mga ari-arian.
May kabuuang 25 na fire truck at dalawang ambulansya ang rumesponde sa nasabing insidente.