Advertisers

Advertisers

Misis pinakain ng bala ng selosong mister

0 13

Advertisers

Nasawi ang isang misis nang pagbabarilin ng selosong mister habang kumakain ang una sa harap ng Tabunok Public Market, Talisay City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktima na kinilalang si Ailyn Dominguez Francisco, nasa hustong gulang, negosyante habang tugis naman ang salarin na mister na si Rodino Francisco, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Camp 2, Barangay Jaclupan, Talisay.



Ayon kay Police Lt. Col. Epream Paguyod, hepe ng Talisay City Police Station, 9:45 ng hapon ng maganap ang krimen sa isang kainan sa Nacario Street, Brgy. Tabunok, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kumakain ang biktima kasama ang kamag-anak ng bigla na lamang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo.



Dito, nilapitan ang biktima at walang babalang pinagbabaril sa katawan saka mabilis na tumakas.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima subali’t nalagutan rin ito ng hininga habang ginagamot.



Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, matagal ng nagseselos ang salarin sa hinalang may ibang lalaking kinalolokohan ang misis nito.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operation ng pulisya laban sa salarin para malaman ang tunay na motibo sa krimen at managot.