Advertisers

Advertisers

Nurse sideline pagtutulak ng shabu, huli sa ospital

0 3

Advertisers

BUMAGSAK sa kamay ng Philippines Drugs Enforcement Agency (PDEA) Region 02 ang isang nurse ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) nang ku-magat sa buy-bust operation ng mga operatiba sa loob ng hospital sa Barangay Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan,
Sa direktiba ni Regional Director (RD) Gil Cesario Castro ng PDEA Region 02 sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs sa rehiyon, nahuli ang target na si alyas “Noel”, 32 anyos, residente ng Abulug, Cagayan.
Nasamsam mula sa natu-rang nurse ang ilang sachet ng shabu na may kabuuang timbang na halos limang gramo.
Batay sa paunang ulat ng PDEA Region 2, tinatayang nagkakahalaga ng P34,000 ang mga nasamsam na ilegal na droga.
Nahaharap ang nurse sa kasong droga.(Rey Velasco)