Advertisers

Advertisers

9 LTO EMPLOYEES HULI SA KOTONG

0 3

Advertisers

ARESTADO ang siyam na kawani ng Land Transportation Office (LTO) sa Region 13 (Caraga Region sa Mindanao) sa entrapment operation sa Buenavista, Agusan del Norte, Huwebes ng umaga, Hunyo 18.
Magkatuwang na isina-gawa ang entrapment operation ng magkasanib na units ng Police Regional Office 13 at LTO Central Office, batay sa mga reklamo laban sa nasabing law-enforcement personnel ng ahensya.
May mga drayber ng light vehicles at hauler trucks na nagreklamo sa umano’y panghihingi ng pera habang nagpapatupad ng operasyon sa kalsada ang naturang LTO employees. Dahil dito, inilunsad ang operasyon na nagresulta pagkakaaresto sa kanila.
Ayon sa isang opisyal ng LTO Central Office, matagal na silang nakakatanggap ng mga reklamo hinggil sa ilegal na gawain ng ilan sa kanilang mga kawani sa Region 13.
Pahayag ng ilang drayber, hinaharang sila ng mga ito sa mga highway para sa kunwari ay mga procedural inspections na kalaunan ay kokotongan na sila ng pera.
Ayon sa isa sa mga nagreklamo, nakaranas siya ng pangingikil na umabot sa P15,000 nang harangin siya dahil sa sinasabing paglabag sa batas trapiko.
Nasa magkatuwang na kustodiya na ng pulisya at ng national officials ng LTO ang siyam na “kotongero”.