Barbie nawala sa BQ, piniling sumama kay Richard sa Italy; Bea P30-M ang halaga ng nabiling bahay sa Spain
Advertisers
Ni Jovi Lloza
TAKANG taka ang netizens sa biglaang pagkawala ni Barbie Imperial sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Napansin na lang ng viewers kung asan na ang karakter ni Barbie.
Kaya naisip nila na baka pinatay na ang kanyang karakter.
Pero may mga netizen ang gulat dahil kumalat ang ilang larawan ni Barbie sa socmed.
Natukoy kung asan ngayon ang aktres. Nakita sa larawan na kasama ni Barbie ang rumored bf njto na si Richard Gutierrez. Nasa larawan din si Daniel Padilla.
Sumama at sumabit pala si Barbie sa Italy sa teyping ng Ingcognito kahit di siya kasali sa series.
So di pa malaman kung hanggang kailan tatagal ang ahooting bago pa man makabalik ng Pinas si Barbie.
***
Bea napuri ng netizens
DAHIL sa pagiging masinop ng Kapuso Actress Bea Alonzo sa pera ay napupunta ito sa mahahalagang bagay.
Hindi kasi waldas ang aktres kaya lumalawak ang kanyang investment.
Matatandaan na mula sa katas ng kanyang paghihirap sa showbiz ay nilalagay niya ito para mag invest tulad ng napakalawak na farm nito sa Zambales.
Dagdag pa ang pagbili nito ng property sa Madrid, Spain.
Wala pa ngang 2 years nang mabili ni Bea ang kanyang property sa Spain.
Buong ningning nitong ibinida at masaya ito at nakuha na ang kanyang Spain residency.
Dahil sa hilig sa pag iinvest ni Bea ay napuri ito ng netizens na siya nga raw dapat tularan ng ibang artista na napupunta sa wala ang pinaghirapan.
Pero alam ba ninyo kung magkano ang halaga ng property ni Bea sa Madrid, Spain?
Eto lang naman ay umaabot sa 500,000 Euros equivalent sa 30M pesos.
Bonggacious. Well, well, well… ‘Yun na!