Advertisers
Bahagi nang mabalasik na pamumuno at mawala ang mga magsisilbing sagabal ay ipinaloob sa DRUG LIST ang mga karibal sa politika ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE upang gawing legal ang operasyon mangahulugan man ng mga pamamaslang sa postura ng pagpapatumba sa mga gawa-gawang listahan ng ILLEGAL DRUG PERSONALITIES?
Sa Ika-anim na pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) nitong September 19, 2024 ay ibinunyag ni EX-ILOILO CITY MAYOR JED PATRICK MABILOG ang madilim na katotohanan ng listahan ng droga ni EX-PRES. DUTERTE.., iginiit na ito ay nagsilbing listahan ng mga target laban sa mga kaaway sa
politika na nagpapakita ng maling paniniwala at ang kawalang-ingat sa pang-aabuso ng kapangyarihan ni DUTERTE.
Noong Agosto 2017 habang dumadalo sa isang pandaigdigang KUMPERENSIYA sa JAPAN.., si MABILOG ay binantaan ng isang POLICE GENERAL na nagbabala sa kanya na siya ay papatayin kung magtatangka itong bumalik sa ating bansa dahil kasama raw siya sa DRUG LIST ni DUTERTE.
Inilarawan ni MABILOG ang isang pag-uusap kasama ang noo’y PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF RONALD “BATO” DELA ROSA na sinubukan siyang hikayatin pabalik sa ating bansa; subalit ang paghikayat ni DELA ROSA ay mabilis na naglaho nang isang POLICE GENERAL ang nagbigay ng payo sa kanya na lumayo na nagsasabing, “the accusations against you are all fabricated.” Ipinahiwatig
ng POLICE GENERAL na ang pagbabalik ni MABILOG ay magtutulak sa kanyang isangkot ang mga kilalang oposisyon
bilang mga drug lords.., na naglalantad sa mapanganib na mga hakbang na handang gawin ni DUTERTE upang patahimikin ang mga tumututol o kumakalaban sa kanya.
Dahil sa takot para sa seguridad ay humingi ng asylum si MABILOG sa ESTADOS UNIDOS na tinawag ang
listahan ng droga bilang isang produkto ng personal na paghihiganti ni DUTERTE.., dahil ang pekeng listahang ito ay ginamit lamang ni DUTERTE upang sagupain ang mga kalaban sa politika sa ilalim ng posturang WAR ON DRUGS.
Ang motibo sa likod ng pag-target kay MABILOG ay dahil nakakuha lamang si DUTERTE ng 13.7%
ng mga boto sa ILOILO CITY noong halalan ng 2016.., ito ang pinakamababa sa bansa habang ang lokal na bayaning si MAR ROXAS ang tiyak na nagwagi.
Sa pananaw ni MABILOG na ang galit ni DUTERTE ay nag-ugat mula
sa koneksyon ng pamilya sa oposisyon na si SEN. FRANKLIN DRILON.., na hindi alintana ng EX-PRESIDENT ang paggamit ng kanyang kapangyarihan para sa mga personal na hinaing.., at hindi kailanman nabigyan ng pagkakataon si MABILOG. Bumalik si MABILOG sa ating bansa matapos ang 7-taon na pamamalagi sa ibang bansa at ipinuntong biktima siya ng mga walang batayan at mapanirang akusasyon ni DUTERTE.
Binigyang-diin nito na ang
listahan ay nagmula sa opisina ni DUTERTE nang walang anumang tunay na ebidensya at sa halip ay nagpapakita ito kung paano ginamit ng EX-PRESIDENT ang kanyang posisyon para sa paghihiganti sa mga sumasalungat sa kaniyang (DUTERTE) mga pamamalakad.., na ito ay isang uri ng pag-abuso sa kapangyarihan!
***
PHIL HEALTH BENEFITS TINUTUTUKAN NI REP. LEE
Bahagi ng advocacy para sa kapakanang pangkalusugan ay magiting na tinututukan ni AGRI PARTY LIST REP. WILBERT LEE na mapataas pa ang benepisyong dapat maipagkaloob ng PHILHEALTH na asiste para sa mga naghihirap nating mamamayan.
Naging panauhin kamakailan si REP. LEE sa KAPIHAN SA METRO EAST at sa BYSTANDER MANILA, KAPIHAN SA B HOTEL ay pareho nitong ipinunto na dapat ay madagdagan pa ang budget ng PHILHEALTH para sa taong 2025 upang maisakatuparan ang libreng pagpapagamot at pagpapaospital ng bawat PILIPINO.
“Paghihintayin na naman ba tayo? Para saan pa, para i-dribble na naman tayo sa sunod na budget deliberations? Since hindi nila ibinigay at itinaas yung mga benepisyong paulit-ulit na po nating itinutulak dito bago ang plenary deliberations, wala sila ni anumang anunsyo sa plano o timeline na hinihintay ng publiko, o kung ano ang problema kung saan pwede natin silang tulungan, napakalaking kasalanan ang ginagawa nila sa taumbayan,” pagpupunto ni Lee.
Bunsod nito ay tiniyak ni REP. LEE na ipagpapatuloy nito ang laban para matugunan ang hinaing ng mga pamilyang walang pambili ng gamot at pambayad sa ospital!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.