Advertisers

Advertisers

Tindera tumakbong kagawad pinatay sa Maynila

0 38

Advertisers

NASAWI ang isang babae nang barilin ng isang rider sa mismong kanto ng Carlos Palanca St. at Quezon Blvd. sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si alyas Esther, 50 anyos.

Sa ulat, nakaupo lamang ang biktima malapit sa kanyang tindahan sa bangketa nang paputukan ito ng isang beses ng rider, na agad kumaripas ng takbo sa kahabaan ng Quezon Blvd.

Tumalsik pa ang cellphone ng biktima at ang suot nitong pustiso, habang ang nakaparadang motor nasagi at kasabay nitong tumumba.

Sa report, tumakbo bilang kagawad ang biktima sa Brgy. 384, Quiapo pero hindi ito pinalad.

Ayon sa mga kakilala nito, mabait at palakaibigan ang biktima at wala rin silang maalalang nakaaway nito.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen. (Jocelyn Domenden)