Advertisers

Advertisers

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

0 12

Advertisers

Napakasuwerte talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang unang pinangangalagahan ay para sa kapakanan ng kanyang constituent kaysa sarili.

Naalala ko tuloy ang isang Bible verse sa Philippians 2:3-4 – “Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, 4- not looking to your own interests but each of you to the interest of the others.”

Naniniwala tayo na sa patuloy na ang mga matagumpay na programa ng Quezon City – Local Government Unit (QC-LGU) sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, na ang bersikulong ito ang isa sa nagbibigay inspirasyon sa Alkalde para magtrabaho nang magtrabaho para sa kapakanan ng mamamayan ng lungsod…and all for the glory of God.



E ba’t naman natin nasabing napakasuwerte ng QCitizens sa QC-LGU? Hindi naman lingid sa kaalaman natin na marami nang naging programa si Mayor Joy – programa na ang beneficiaries ay milyong residente ng lungsod.

Hindi na natin isa-isahin ang mga programa kung hindi ay hindi magkakasya ang espasyo natin…



Katunayan dahil sa mga magaganda at matagumpay na mga programa, parating humahakot ng parangal ang QC LGU hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa labas.

Heto nga na naman…tila’y nanalo sa lotto ang QCitizens kasama ang pamilyang sinasabing kabilang sa informal settlers sa lungsod.



Bakit kamo! Bakit? Aba’y akalain niyo ba naman na sa mga susunod na buwan ay titira na sila sa condo. Hanep! Magiging “rich” na kayo. Buti pa kayo, samantalang ako, hanggang ngayon ay umuupa pa rin. Kailan kaya din ako titira sa condo? Mayor Joy, baka naman…

Tama kayo sa inyong nabasa, sa mga susunod na buwan ay titira na sa condo ang mga nabanggit natin pamilya sa Kyusi dahil…dahil ano? Bibilhan sila ni Mayor Joy ng residential condo. Wow naman…kasuwerte naman talaga ng QCitizens.

Ang QC LGU ay bibili ng 2,669 residential condo para sa QCitizens at informal settlers families (ISF) – yes, ito ay para sa mga nangangailangan ng sariling tahanan sa lungsod.

Siyempre, ang pagbibigay ng tahanan ay hindi naman basta-bastang ipamigay na parang kendi at sa halip ay dadaan ito sa mga tamang proseso – walang palakasan o unahin ang kaanak ni Kapitan. Dapat lang!

Ang programa ay magtuloy-tuloy na at bilang patunay ay isinagawa kamakailan ang MOA signing sa pagitan ng QC government at 8990 Housing Development Corporation na developer ng Urban Deca Homes Commonwealth.

Aba’y tiyak na nga ang pabahay na proyektong ito – tapos na MOA signing. Hintay-hintay lang mga QCitizens ha. Napakasuwerte niyo talaga.

Heto ang titirhan niyo – kasama sa bibilhin ng QC government ang apat na high rise buildings, condo units at…parking area na 522 parking slots.

Kompleto ha..may pabahay na..condo pa, ay may garahe pa kayo. Ano pang hanap niyo!?

Well, siyempre para kayo mabiyayaan ng blessings na ito – alams na…manalig lang sa Diyos and be a good citizen of Quezon City.

Buti pa kayo, magkaka-condo na!