Advertisers

Advertisers

Retiradong pulis sinakluban ng plastic, todas

0 34

Advertisers

Pinaniniwalaang pinatay sa pamamagitan ng pagsaklob ng plastic hanggang sa hindi na makahinga ang isang retiradong pulis na natagpuang walang buhay sa damuhan sa bakanteng lote sa Sitio Hipit, Brgy Janopol Oriental, Batangas, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arnel Quirobines Tobes, 48-anyos.

Ayon sa ulat, isang lalaki na naghahanap ng gagamba ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima.



Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, natuklasan na walang sugat o tama ng anumang armas ang biktima at wala din mga bakas ng dugo sa lugar.

Kaya teorya ng mga imbestigador, suffocation sa pamamagitan ng plastic bag ang ikinasawi nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari.