Advertisers

Advertisers

Bacojo, Sebastian swak sa Nat’l Chess Championships finals

0 5

Advertisers

NANGIBABAW sina Mark Jay Bacojo at Mhage Gerriahlou Sebastian sa kanilang kanya-kanyang division sa semifinals ng National Chess Championship na ginanap kamakailan sa Philippine Academy for Excellence (PACE) sa Quezon City, na nag bigay sa kanila ng tsansa na makakuha ng slot sa national team na sasabak sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.

Bacojo, 18 ay nauwi sa draw kay International Master Ricky de Guzman sa ninth at final round para magtapos sa 6.5 points, at ipuwersa ang three-way tie sa nangungunang si Vince Angelo Medina at Alexis Emil Maribao.

Gayunpaman, Bacojo ay nagwagi sa tiebreaks.



Bacojo, Medina, Maribao, Phil Martin Casiguran at De Guzman ay tuloy ang martsa sa finals kontra Grandmasters Daniel Quizon at John Paul Gomez, at IMs Paulo Bersamina at Jan Emmanuel Garcia -na sumabak rin sa Olympiad sa Budapest, Hungary.

Samantala, ang 19-year-old Sebastian, umiskor ng seven points sa women’s division para sumali kina Allaney Jia Doroy, Vic Glysen Derotas, Cherry Ann Mejia at Bonjoure Fille Suyamin sa finals na nakatakda sa Disyembre sa PACE.

Ang limang qualifiers ay ikakasa kontra Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna, WIMs Jan Jodilyn Fronda at Bernadette Galas, Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza at Ruelle Canino, na nakamit ang Group B gold medal sa Olympiad.

Imbitado rin sina GMs Darwin Laylo at Joey Antonio na lumahok sa finals na nakatakda sa Oktubre 23 hanggang Nobyembre 1 sa Alicia, Isabela. ang champion ay tatanggap ng PHP 120,000.