Advertisers

Advertisers

Senior Citizen’s Day sa Biliran… BONG GO UMAYUDA SA MGA LOLA’T LOLA

0 6

Advertisers

Namahagi ng mga tulong at suporta ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go sa kabuuang 700 senior citizens sa Naval, Biliran kasabay ng pagdiriwang ng Senior Citizens’ Day ng bayan.

Sa isang video message, itinampok ni Go ang Filipino cultural value na pangangalaga sa matatanda, na ang pagtulong sa mga senior citizen ay isang kilos na umaayon sa mga tradisyon ng Pilipino.

“Salamat mga lolo at lola. Sana po ‘yung karamihan sa inyo nasa mabuti po ang kalagayan. Alam ko na mahirap po ang inyong sitwasyon. Parati ko pong pinapaalala sa lahat na mahalin po natin ang ating lolo’t lola. Wala po tayo sa mundong ito kundi po dahil sa kanila. At ito po ‘yung panahon na bumawi tayo sa kanila,” idiniin ni Go.



Bilang chairperson ng Senate committee on health and demography, binigyang-diin ni Go ang napakahalagang papel ng Malasakit Centers sa pagbibigay ng accessible na medical assistance sa mga Pilipino. Binanggit niya ang Malasakit Center na itinatag sa Biliran Provincial Hospital, na tumitiyak na ang mga residente ng Naval at buong lalawigan ng Biliran ay may access sa tulong na kanilang kailangan.

Isang one-stop shop, pinagsasama-sama sa Malasakit Centers ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na may programang nauugnay sa tulong medikal. Patuloy na itinataguyod ni Go, mayroon nang 166 operational centers sa buong bansa.

Batay sa datos ng Department of Health, ang programa ay nakatulong na o nakapagpagaan sa pinansiyal na pasanin ng humigit-kumulang 12 milyong Pilipino.

“Let us continue to bring medical services from the government closer to those in need, especially our seniors, who often have limited access to healthcare,” diin ni Go, chairperson ng Senate committee on health.

Noong nakaraang Pebrero 28, ang RA 11982, o ang Amendments to the Centenarian Act, na co-author at co-sponsor si Go sa Senado, ay nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.



Kasama sa batas ang pagbibigay ng cash gift para sa mga Pilipinong nasa edad 80, 85, 90, at 95, na nagkakahalagang P10,000 bawat isa. Dagdag ito sa umiiral na P100,000 cash gift para sa mga centenarian.

Bilang miyembro ng Senate Committee on Social Justice, binigyang-diin ni Go ang pangako ng gobyerno na pagbibigay pagkilala at reward sa kontribusyon ng mga senior citizen sa ating lipunan.

Gayundin, co-author din si Go ng RA 11916, an Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens, na nag-amyendahan sa RA 7432, ang unang Senior Citizens Act.

Katuwang sina Congressman Gerry Boy Espina, Governor Gerard Espina, Vice Governor Kokoy Caneja, Mayor Gretchen Espina, at Vice Mayor Vicente Curso, nakatanggap din ang mga senior ng Biliran ng suporta at tulong pinansyal mula sa gobyerno.