Advertisers

Advertisers

Titser grinipuhan ng 14-anyos na dalagita

0 13

Advertisers

Nasawi ang 56-anyos lalaking guro matapos pagsasaksakin ng 14-anyos na dalagita, kahapon ng umaga sa Tacurong City.

Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay nang matagpuan ang biktima na kilala sa alyas Datu, guro at residente sa Purok Montivelle, Barangay EJC Montilla, ng nasabing lungsod habang hawak naman ng pulisya ang salarin na 14-anyos na dalagita, taga Columbio, Sultan Kudarat.

Sa inisyal ng report ng Tacurong City Police Station, 10:00ng umaga nakatanggap sila ng report hinggil sa naturang insidente.



Pagdating sa lugar ng pinangyarihan ng krimen naabutan nila ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at ang suspek.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek at i-turn-over sa tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen.