Advertisers

Advertisers

High-risk fugitive, arestado sa Pampanga

0 24

Advertisers

ISANG high-value Chinese fugitive na wanted sa large-scale telecommunications fraud ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang Chinese national na si Zhao Jianfeng ay dinakip sa isang operation na isinagawa noong June 28 sa isang residential area sa Clark Freeport Zone, Mabalacat City.

Si Zhao, 28, ay subject ng detention warrant na inisyu ng Liangqing Branch ng Nanning Municipal Public Security Bureau sa China nitong June 16, 2025.

Ayon sa Chinese government, si Zhao ay core member ng transnational criminal syndicate ng telecom at online investment scams na ang target ay Chinese citizens. Lahat ng suspek ay naka-base sa Pilipinas nang maganap ang mga krimen.

Ang operation ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa local intelligence units.

Nadiskubre doon ang lima pang Chinese nationals na sangkot umano sa mga iligal na aktibidad. Sila ay nahuling nagbabantay ng computer workstations na ginagamit sa telecom fraud at kinilalang sina Song Genyuan, Wu Xinxu, Wen Jing, Xu Yongcheng at Lin Jinyang.

Sa follow-up operation, inaresto din ng mga BI agents ang isang high-ranking syndicate member na si Lu Bingbing, sa isang casino sa Angeles City. Si Lu, 25, ay nabigong magpakita ng passport o anumang valid immigration document nang maaresto.

Sila ay sumasailalim sa booking at documentation at itu-turnover sa BI Warden Facility bago isailalim sa deportation proceedings. (JERRY S. TAN)