Advertisers

Advertisers

2 ESTUDYANTE NAKURYENTE-PATAY SA BUBBLE FUN RUN

0 27

Advertisers

NAUWI sa malagim na trahedya ang sinapit ng da-lawang mag-aaral ng elementarya na dapat sana masayang aktibidad para sa mga mag-aaral ng Cauayan South Central School dito sa lungsod, umaga ng Sabado, Oktubre 3.
Tinatayang 1,000 mag-aaral kabilang ang ilang magulang at mga guro ang sumali sa isinagawang bubble color fun run sa nabanggit na paaralan nguni’t dalawa ang idineklarang dead-on-arrival.
Maliban sa dalawang namatay, may ilan din mag-aaral na kasalukuyan pang ginagamot nang makuryente ang mga ito.
Ayon kay Ginang Elsa Dela Peña, lola ng Grade 2 student na kabilang sa namatay, hindi sana pinasali ang kanyang apo dahil sa kahirapan ng buhay na pambili nalang sana nila ng bigas ang pang registration nito.
Nabanggit din nito na isa pa sa kanyang mga apo na lumahok din sa aktibidad ang nagkumpirma na nakaramdam ito ng ground habang naglalaro sa mga bula dahilan upang lumayo ito sa lugar.
Nananawagan si Ginang Elsa na panagutin ang organizer ng nabanggit na aktibidad upang mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ng kanyang apo.
Sinimulan ang fun run 4:00 ng madaling araw sa naturang paaralan.
Matapos umikot ng ilang kilometro, bumalik ang mga kalahok sa venue kungsaan isinagawa ang bubble party.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng insidente, partikular kung may grounded wire sa lugar na pinagdausan ng bubble party, lalo na at basa ang paligid nang mangyari ang insidente.
Bumisita rin si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa paaralan upang alamin ang nangyari, at nakipag-usap sa mga guro na nasa paaralan.