Advertisers

Advertisers

JOHN AMORES SA AWAY-BASKETBALL

0 20

Advertisers

BAGONG kontrobersiya ang kaharap ngayon ni JOHN AMORES, mahusay na basketball player pero laging sangkot sa away-basketbol. Muling gumawa ng ingay ang PBA player sa isang shooting incident sa Bgy. Maytala,Lumban, Laguna kaugnay ng alitan sa maling tawag sa basketbol.

Unang naging kontrobersyal si AMORES sa sigalot wayback 2022 laban sa UP player na si MARK DEL MONTE. Nagkaroon ng kasuhan dahil nagtamo ng injury si DEL MONTE, kinailangan maoperahan dahil sa gum fructure, teeth dislocation at mouth laceration kaya umapela n patawan ng parusa si AMORES. Kasunod nito ang chaos nang asarin umano ng isang fan si AMORES at umabot sa suntukan versus players ng ST. BENILDE sa panahong collegiate player siya ng JOSE RIZAL UNIVERSITY {JRU} HEAVY BOMBERS sa NATIONAL COLLEGIATEATHLETIC ASSOCIATION (NCAA). Nasuspinde siya at naging indefinite suspension pa hanggang mabigyan ng second chance.

Sumailalim si AMORES sa Sports Psychology at Anger Management, nakasama sa draft pick ng top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA). “Ito na ang last chance ko, di na pwedeng mangyari sa akin yan, lalo n sa PBA, kung mapick-up man ako..”



Nakuha ng GLOBAL PORT BATANG PIER si AMORES at gumawa ng record sa pagsusubi ng 4-point shot.

Just recently, pumutok sa news na sangkot sa pamamaril si AMORES at dinampot ng mga pulis, ikinulong kasama ng nakababatang kapatid sa kasong pamamaril ng nakalabang basketbolistang kababata pa sa Laguna. Nagmitsa ang away sa maling tawag umano at nagkainitan, abot sa hamunan na ituloy s labas ang suntukan.



Sa isinumiteng CCTV footage, nakitang namaril si AMORES angkas ng motorsiklo ng kapatid at nakatakbo ang biktima, walang tama.

Lumabas naman na negatibo sa paraffin test o eksamen sa pulbura si AMORES, sa posibilidad umano ng lihis na wind direction o kaya naman ay kontrol sa paghawak ng baril. Sa halip na inaasahang frustrated murder ng kalaban, ‘attempted homicide’ ang naging kaso.



Pansamantalang nakalaya ang mgkapatid sa piyansang Php24k t Php10k na ang pre-trial ay nakaiskedyul sa Disyembre 2024.

Maraming kwestyon ang nakabitin kung pano nagnegtibo ang paraffin test at kung bakit naibaba sa attempted homicide ang kaso, pero may derpensa umano na dahil sa negative result nga kaya naibaba ito. Voluntary surrender naman pala ang ginawa ng magkapatid sa pulisya ng Lumban, Laguna. Hindi maiiwasan na nagkakaroon na umano ng threat s magkapatid.

Meron din namang nakatuon ang pansin sa nakasuporta umanong nasa poder sa bsketbolista. Naungkat pa ang nakaraang balita na may back-up si AMORES dati na isang letter mula sa Office of the Vice President bearing the line, ‘ Remember the lesson, not the mistake.’

Habang patuloy ang hirit ng bashers ni AMORES sa social media, inaabangan din ang magiging move o anumang pahayag ng PBA sa bgong kontrobersiya. Abangan!

OCTOBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to DAN ROSSETTI S. ALEJO, to LOREN SANTOSTALA of San Isidro, Pampanga and LEAH S. PERALTA of Manila Best blessings be with you. HAPPY READING!