Advertisers

Advertisers

Mastermind, 2 gunman, 5 pa timbog sa murder sa mag-asawang online sellers

0 162

Advertisers

NALUTAS na ng pulisya ang pagpaslang sa mag-asawang negosyanteng online sellers na tinambangan Oktubre 4, 2024 sa Mexico, Pampanga, nang maaresto ang walong salarin kabilang ang mastermind nitong Lunes.

Sa pulong balitaan nitong Lunes sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga, iniha-yag ni Police Region 3 Director, Brig. General Redrico A Maranan, ang pagkaaresto kina Anthony Limon, mastermind; habang ang asawa nito ay isinasailalim pa sa imbestigasyon upang malaman kung ano partisipasyon sa krimen kungsaan nakakasama siya sa tuwing humaharap ang kanyang mister sa mga suspek.
Si Limon ay nadakip Lunes ng umaga sa kanilang bahay sa Apalit, Pampanga.

Samantala, nadakip sa follow up operation ng Pampanga Police na pinamumunuan ni Colonel Jay Dimaandal, simula Biyernes hanggang Lunes ang iba pang sa-larin na sina Rolando Cruz, middle man, ng Brgy. Bulac, Minalin, Pampanga; Jomie Rabandaban, middleman, ng Jaen, Nuerva Ecija; Artnold Taylan, gunman, ng Gsapan, Nueva Ecija; Sancho Nieto, driver, ng San Leonardo, Nueva Ecija; Robert Dimaliwat, spotter, ng Licab, Nueva Ecija; Arnel Buan, gunman, ng Licab, Nueva Ecija.



Positibong kinilala ang mga naaresto ng mga saksi sa pagpaslang sa mag-asawang Ar-vin Dayrit Lulu at Lerma Waje, kapwa residente ng Mabalacat, Pampanga nitong Oktubre 4, 2024 dakong 4:20 ng hapon sa Paroba st., Barangay Santo Rosario, Mexico. Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t-ibang malalakas na kalibre ng baril.

Ayon kay Maranan, isang organized gun for hire ang mga suspek na kumikilos sa lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija. Sila ay kakasuhan ng 2 counts murder sa Pampanga Prosecutors Office.

Sa imbestigasyon, lumalabas na pinapatay ni Limon ang mag-asawang Lulu dahil sa kanyang (Limon) utang na P13 million halaga ng produkto kungsaan ang una ay isa rin kilalang online seller sa lalawigan.

Ayon kay Maranan, inupahan ng mastermind ang mga suspek ng halagang P900.000.
(Almar Danguilan/Ernie Dela Cruz)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">