Advertisers
Umaabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang motel sa Caloocan City nitong Martes.
Batay sa report na tinanggap ni PNP-DEG Director PBrig. Gen. Eleazar Matta, ala-1:21 ng tanghali nang madakip si Ross Mark Babon, 30, sa Madonna Lodge Brgy. 136 Bagong Barrio Caloocan City.
Ayon kay Matta, itinuturing na High-Value Individual ang suspek mula Cruz St. Tangos, Navotas City.
Nakuha mula sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic bag na naglalaman ng white crystalline substances o suspected shabu na tumitimbang ng 1 kilo at may halagang P6,800,000.00 at iba pang ebidensiya.
Pansamantalang nasa kustodiya ng PNP-DEG, SOU -NCR, sa Camp Bagong, Diwa, Taguig City ang suspek habang inihahanda ang isasampang kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)